CHAPTER 4

38 0 0
                                    

July 16, 2008. Isang buwan matapos ang insidente, tuluyan kaming nagkahiwalay ni Janica. Umuwi na kami nina Itay sa Quezon, samantalang sina Janica, nauna nang umalis papuntang Baguio. Sabi ni Janica sa akin, mas mabuti raw sa kanya ang sariwang hangin doon, ayon sa daddy niya. Tinanong niya ako kung ilan na ang nagawa kong paper cranes. Hindi ako kumibo. Ang totoo, wala akong nagawa kahit isa. Nanlumo ako na kailangan naming umalis. Nanlumo ako na kailangan ding umalis nina Janica. Gusto ko sanang sabihin kay Sir David na gusto ko’ng hintayin ang pagbabalik ni Janica pero hindi ko nagawa, saka sabi ni Itay, narinig ko silang nag uusap ni Ate, na ibebenta na rin ng pamilya nina Janica ang bahay, at babalik na sa Amerika kapag wala na si Janica. May taning na raw ang buhay nito dahil sa malalang komplikasyon sa kidney. Pakiramdam ko, una pa akong namatay kay Janica.

Halos hapon na nang dumating kami kina lola sa Tagkawayan Quezon. Saka lumindol nang malakas. Natakot ako, kaming lahat. Ilang beses pang yumanig. After shocks. Saka ang balita kinagabihan. Napinsala nang husto ang Baguio. May gumuhong hotel. May mga natabunang bahay. Land slide sa mga daan. Ilang araw pa bago nakabalita si Itay sa nangyari kina Janica. Wala silang sinabi sa akin ni Ate. Basta nakita ko silang umiiyak pareho.

Kinuha ko ang dalawang paper cranes mula sa pagkakaipit sa notebook ko. Isa-isa kong pinilas ang pahina ng notebook ko para gawing paper cranes pero mas nakita ko ang dahilan kung bakit ko iyon pinipilas. Galit ako. Sa ulan. Sa lindol. Sa sarili ko.

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon