CHAPTER 7

34 0 0
                                    

Weird, oo alam ko. Sobra’ng weird. Pero alam mo yung mas sobra pang weird doon? Nica  ang pangalan niya. Gusto kong isipin na siya si Janica. Kaso hindi. Umiwas ako sa kanya bagamat halos araw-araw kaming magkasama sa iisang klase at iisang eskwelahan.

(At dalawa pang sumunod na taon sa Paaralan.)

Hindi ko binanggit kahit kanino ang tungkol sa oatmeal, ang paper cranes o mismong ang alaala ko kay Janica. Hanggang dumating ang JS prom. Sa tatlong taon, may mga gabi akong pumalya sa paggawa ng paper cranes. Saka ko binilang ang naka-talang lista mula sa dingding ng kwarto ko. Nine hundred ninety nine, kulang-kulang 3 years… Isang crane pa…naisip ko,ano kaya kung sa gitna ng mismong sayawan, yung kamay na hawak-hawak ko ay ang kamay na mismo ni Janica. Isang crane pa…

Kaso dumating na ang mga kabarkada ko. Mamaya na siguro yung crane kahit habang nasa school. Tinupi ko ang papel saka isinilid sa bulsa ko.

“Oist, sabi ni Ma’am, daanan daw natin si Nica.”

“Naku hindi,ayoko nga” tanggi ko kay Jane .

“Ano bang meron kay Nica at talaga namang pansin ko na parang lagi mong iniiwasan?”

“Wala naman.”

“Hoy, huwag ka ngang mayabang…maganda naman si Nica ah.”

“Me sinabi ba akong panget siya?”

“Sus! Alam mo, sa totoo lang, kundi lang kami nakakakopya sa’yo saka nakikinabang sa talent mo sa paggawa ng projects, di ka rin namin papansinin!”

“Haha! Ang sabihin niyo, hindi lang talaga kayo makakopya kay Nica dahil sa karamutan sa inyo ng babaeng yun!”

“Abnormal! Kung kokopya kami sa kanya, baka wala ka na sa Top 10! E di pag nagkaganun, ang panget mo na, wala ka pang brains na masasabi! Hahahaha!”

“Lika na Jane, tandaan mo na may 4th grading pa…nakuuu!” pasakal kong yaya kay Jane na naging isa sa mga kabarkada ko.

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon