CHAPTER 6

34 0 0
                                    

Mula sa Quezon, nakakuha ng relocation sina Lola sa Cavite. Bagong simula. Unang gabi ko ng paglipat namin, paper crane agad ang inatupag ko. Gusto kong maniwala katulad ng paniniwala ni Janica. Hanggang sa dumating ang pasukan, First year, first day, first class. Wala pa akong kilala. Napansin kong hinihika ang katabi kong babae kaya inabutan ko siya ng panyo ko. Ngumiti siya sa akin. Ngayon na lang yata ulit ako napatitig nang matagal sa mukha ng ibang babae. Saka ko hinahanap ang pamilyar na ngiti ni Janica. Wala. Nakaka-ilang paper cranes pa lang ako.

Recess. Nagulat ako nang isauli niya ang panyo ko kasabay ang pag-aabot ng tatlong piraso ng oatmeal cookies na nakabalot sa tissue. Naalala ko si Janica at ang oatmeal cookies nila ng mommy niya na naging paborito ko. Tumanggi ako. Sabi niya, wala naman daw siyang sakit. Tumanggi pa rin ako. Nakita ko na nalungkot siya sa ginawa ko. Unang araw pa naman ng klase. Sinipat ko siya nang palihim. Nakita ko siyang nagtutupi ng papel. Kabisado ko ang bawat galaw. Alam kong paper crane ang tinutupi niya!

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon