CHAPTER 3

41 0 0
                                    

Nakangiti siya sa akin. Alam kong may sakit siya dahil lalo pa siyang naging maputla at nangayayat. Tinanong niya ako ng mga nangyari sa eskwelahan. Bahagya lang akong nagkwento. Pagdaka’y pilit siyang bumangon at iniabot sa akin ang isang tinuping papel na tila isang ibon.

“Paper cranes…” sabi niya.

“Anu’ng gagawin ko rito?” may halong pagtatakang tanong ko.

“Gagawa tayo ng one thousand na paper cranes.”

“Wan tawsan? 100..200...300...400…” nag skip counting ako. “…ang dami nun, ang daming papel…para saan ba?”

“Para gumaling ako…para makapaglaro na tayo ulit saka gusto ko nang pumasok sa school…”

“Eh di magdasal ka na lang, ganun ang ginagawa dati ni Inay kapag may nagkakasakit sa amin ni Ate…”

“Iba yung one thousand paper cranes…”

“Paano ba kasi…hindi naman ako marunong…”

“Ganito lang…” Nagsimula siyang magtupi ng papel. Pinagmasdan ko’ng mabuti. Kung talagang gagaling si Janica, handa ko sigurong kayanin ang magtupi nito, naisip ko. Saka ko napansin ang bracelet na nangingintab sa bisig niya at ang palawit na pusong naroroon.

“Sabi mo sa akin dati, ayaw mo ng mga pang-mayamang mga gamit?” tanong ko sa kanya habang sinusuri ang bracelet.

“Totoo naman. Ito…palatandaan ito na mabait ako…”

“Huh?”

“Oo…may sakit ako dati pa. Sabi ni Daddy, kailangan ko raw ng bagong kidney kaso wala namang gustong magbigay…saka ayoko, lalo na kung alam ko na bibilhin nila galing sa ibang tao…gusto ko, kusa.”

“O, e saan nga ‘to?”

“Para sa puso ko…”

“May sakit ka rin sa puso?”

“Hindi…kung walang gustong magbigay sa akin, tapos mamamatay ako, ‘yung puso ko na lang ang ibibigay ko sa nangangailangan.”

“Pwede ba yon?”

“Gusto mo ba?”

“Syempre hindi…saka hindi ko naman kailangan eh.”

“Teka,..para saan nga ulit yung wan tawsan na paper cranes?” pag-iiba ko sa usapan. Nalungkot akong malaman ang sakit ni Janica. Mas lalo akong nalungkot na ipamimigay lang niya sa iba ang puso niya.

“Sabi sa alamat ng mga Japanese, pagbibigyan daw ang isang kahilingan ng sinumang makagagawa ng one thousand paper cranes.”

“Ang dami naman kaya napaka-imposible.”

“Kung mahal mo ako, tutulungan mo akong kumpletuhin yung one thousand.” Nakangiti siya habang iniaabot muli sa akin ang tinupi niyang paper crane.

Nagulat ako sa sinabi niya. “Kung mahal mo ako…” Sa takot. Sa mga bagay na hindi ko pa naiintindihan kahit nararamdaman ko. Hindi na ako nagpaalam. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumakbo akong pauwi sa amin hawak ang dalawang pirasong paper cranes.

Paper CranesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon