Kapag NAGMAHAL ka,
Dapat may space para sa AKO,
Space para sa KANIYA,
Hindi maaaring puro TAYO.Kapag nagmahal ka,
Dapat may space sa PAG-UNAWA,
Space para sa pagiging MAGKAIBIGAN,
Para kapag nasaktan ka hindi ka maglilihim bilang kaibigan niya.Kapag nagmahal ka,
Dapat may space para sa PAGKAKAMALI.
Dahil ang relasyon ay hindi palaging masaya.
Hindi totoo ang relasyon na walang LUHA.Kapag nagmahal ka,
Huwag mong bilangin kung ilang beses ka NADAPA
Hindi iyon importante kung totoong MAHAL ka.
Ang mahalaga ay natuto at BUMANGON ka.-Anino-
YOU ARE READING
Poetries of a Selenophile
PoetryWarning! Mapanakit po si author. Plagiarism is a crime punishable by law.