Dayami

1 0 0
                                    

"Dayami"

Mga salitang hindi masabi,
Tila naghahanap sa gitna ng dayami,
Hanggang kailan ka magkukunwari?
Kailan mo sasabihin ang iyong mga hinabi?

Nais mo bang ako na ang pumawi?
Mga gumugulo sa isipan mo gabi-gabi,
Kahit masakit,
Kahit mapait.

Hindi ko nais na ikaw ay itali,
Sa relasyong puno ng pagkukunwari,
Sana ay iyo na lang sinabi,
Hindi na kailangang pahirapan ang sarili.

Ito na nga ba ang sandali?
Kailangan ko na rin bang magkunwari?
Sabihin sa iyo ang mga salitang hindi mo masabi,
Pakawalan na natin ang nakaraan, hayaan nang mabali.

🥀Anino

/*Writing prompt Author's Guild*/

Poetries of a SelenophileWhere stories live. Discover now