"Mayfly"
Dumating ako sa oras na hindi ko inakala,
Inibig kita sa puntong hindi ko sinasadya,
Dumating sa pagsikat ng araw sa umaga,
Layuni'y maiparamdam na minamahal kita,Tuwa at saya sa iyong mukha ay nakita,
Tila ba tala ay bumaba sa iyong mata,
Ako'y natutuwa sapagkat ikaw ay tumatawa,
Isang araw ko ay natupad dahil sa iyo, Sinta,Ngunit paano ko nga ba aaminin?
Luha mo ba ay aking kakayanin?
Paano nga ba sasabihin,
Na sa pagsapit ng ilang sandali ikaw ay akin nang lilisanin.Buhay ko 'y hindi ko kayang pahabain,
Tanging pag-ibig lang ang kayang ihain,
Katulad sa pagbaba ng araw sa kanluran,
Umaasang muling mabuhay pagdating ng bukas sa silangan.-Aninong Manunulat
YOU ARE READING
Poetries of a Selenophile
PoetryWarning! Mapanakit po si author. Plagiarism is a crime punishable by law.