Isa akong tao
Na sa anino ay nagtago
Pinilit lisanin ang mapang husgang mundo
At sa panulat ay nakuntento.Tulad ng isang anino
Walang mukha o kahit ano
Damdamin lang ang meron ako,
Kagaya ng bawat isa sa inyo.Batid ko ang katotohanan sa likod ng bawat tawa.
Ramdam ko ang bawat sakit na pilit itinatatwa.
Ang bawat ngiti sa likod ng pagluha.
Ang saya na katumbas sa sarili ay awa.Ituring ninyo akong Anino
Na naghihintay ng kahit kaunting liwanag mula sa inyo.
Umaasa na sana ay makita ninyo, na
Sa bawat hinagpis na inyong itinatago.
Akin itong sinasalo.-Anino
YOU ARE READING
Poetries of a Selenophile
PoetryWarning! Mapanakit po si author. Plagiarism is a crime punishable by law.