UNA: USAPANG EX

1.1K 26 25
                                    

 

BABALA: ang istoryang ito ay naglalaman ng mga jejemon na kwento. mga karakter na luku at mga lugar na walang dulo. hahahaha!

iniaalay kay Matthew Sarno! oy poging ECE yan! follow niyo po siya....future Engineer din yan.
hoy Matt! hiring kayo diba? malay mo magturo ako dyan! abah magiging estudyante kita, susulpot na lang ako sa classroom niyo  HAHAXD

________________________________________________________________________

 

Walang forever!

Walang happy ending!

Bakit ba kailangang mahalin natin yung tao kung iiwan lang din naman pala tayo?

Bakit ba may Ex?

 

“Kai! Ano ba? Late na tayo!”

“aaah shitzzz!”

Napasigaw ako at lahat ay nagtinginan sa akin, nakakaasar naman kasi tong si Lenneth at kung makatawag at makakulbit sa akin ay wagas..

Tinanggal ko yung nakakabit na headset sa aking tainga at lumingon ako sa kanya..

“Ano ba Lenneth! Natalo ako nang dahil sayo oh!”

Pagrereklamo ko sa kanya. Nasa computer shop kasi ako ngayon at naglalaro ako ng DOTA,

“God Kai! Itigil mo na nga yang kaadikan mo dyan! Malelate na tayo oh! Sa lahat naman ng babae, ikaw lang ang nakita ko na wagas kung makapag adik sa dota! Dahil na naman yan sa ex mo diba!?”

Sabi ni Lenneth habang nakapamay awang.

“uyyyyyyy usapang ex.”

Narinig kong sabi ng mga gamer sa loob. Tapos napatingin ako sa nagbabantay at ngumiti siya na parang nang aasar. Alam nila ang tungkol sa amin ng ex ko kaya sobra nila akong lokohin dahil tinitingnan nila ang reaksyon ko kapag pinag uusapan ang ex ko..

I glared at them, tumayo na ako at tinanggal ang headset ko..

“Fine fine. Mag a-out na ako manahimik ka lang”

Sabi ko kay Lenn at lumapit na agad ako sa nagbabantay at nag-out na.

“Good!”

Sabi ni Lenn habang nakangiti. Lenneth is my bestfriend, I can’t express myself sa harap ng ibang tao pero sa kanya, nagagawa ko yun.

Ang hindi ko lang magawa sa harap niya ay ang ilabas ang tunay kong nararamdaman tungkol sa ex ko.

Basta na lang kasi ako nanahimik kapag siya ang pinag uusapan.

Walang emosyon na lumalabas sa akin kapag nababanggit niya yun.

Alam niyang apektado pa din ako pero kahit anong kulit niya sa akin, wala talaga siyang napapala.

Alam ko hanggang ngayon, hinihintay pa din niya na dumating ang araw na yun, na maglabas ako ng sama ng loob sa kanya.

“Bakit kasi ayaw mo siyang pag usapan?”

Tanong ni Lenn bigla bigla habang naglalakad kami papasok ng school.

"FUTURE EX"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon