PANG PITO: CONFESSING EX

232 10 8
                                    

Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang doodle sa harap ko.

Tumingin ako sa paligid.

Umaga na pala. (>___<)

“oh honey! Okay na ba?”

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Tumingala ako at umayos na parang patuwad para sumilip sa bintana. Itinabi ko ang kurtina at tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas

Nakita ko si Inay sa may baba sa labas ng bahay kasama si Itay at inilalagay ni Itay ang maleta nila sa compartment ng kotse niya.

Dali dali na din na sumakay si Itay sa kotse at lumingon naman si inay sa direksyon ng kwarto ko at nang makita niya ako ay kumaway lang siya para magpaalam.

Ganun din naman ang ginawa ko.

Oo nga pala, Sunday ngayon at aalis na naman sila. Tuwing Sunday lang kasi sila pwedeng bumisita sa mga branch ng Hotel kaya ganitong araw sila umaalis at naiiwan lang akong magisa sa bahay.

Haaay. Mag isa na naman ako at ang sakit pa ng katawan ko T___T

Bakit nga ba masakit ang likod ko?

Umayos ulit ako ng pwesto at humiga ako. nakita ko na naman yung doodle na ginawa ko na nakadikit sa ilalim ng double deck ng kama ko.

Huh? Oo nga pala! hindi ako mag isa!

Kaagad akong umakyat sa taas para tingnan ang natutulog na si Matthew!

“Maaaatthh!”

Tulog na tulog siya at parang hindi niya ako narinig kaya sumakay ako sa kama at tinulak tulak ko siya.

“Matt! Hoy!”

Sabi ko at parang bingi na nagtalukbong lang siya ng tulog.

“Matt! Gising na!”

Pangungulit ko at parang naiinis naman siya na nagtanggal ng kumot niya sa ulo at tumingin sa akin.

“ano bang problema mo?”

Tanong niya sa akin.

“Linggo ngayon! Hindi ba natin hahanapin si Drake?”

Tanong ko sa kanya habang may malapad na ngiti. Parang wala ulit siyang narinig at nagtalukbong na naman siya ng kumot.

“Matt! Hoy! Ano ba! Gising!”

Sabi ko ulit at ginawa ko ang ginagawa ko kanina, tinulak tulak ko ulit siya.

“tumigil ka nga, baka nakakalimutan mong masakit pa ang katawan ko dahil sa pinagod mo ako sa Ice skating kahapon”

Sabi niya sa akin. Naalala ko bigla ang nangyari kahapon, sa sobrang tuwa ko kasi dahil na sobrang galing niya ay hindi ako pumapayag na bitawan niya ako. Hindi din ako pumapayag na tumigil siya sa pagikot kaya sobrang napagod talaga siya.

“ihhh! Nakakainip sa bahay! Tara na! Hanapin na natin si Drake!”

Pagpupumilit ko sa kanya. Sobra siguro siyang napagod kahapon kaya para siyang nagmumukmok sa akin.

&quot;FUTURE EX&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon