PANGATLO: ASKING EX!

307 14 14
                                    

PANGATLO: ASKING EX!

 

“te-teka! saan ba tayo pupunta?”

Tanong ko kay Matt habang hinihila niya ako papaalis sa school..

Saan niya ba balak pumunta?

Malelate na ako sa klase ko!

“KAI MONTERICO!!!!!!!!!!!!!”

Huh? Sino yung tumawag?

Napalingon kami parehas ni Matthew sa likod namin para tiningnan ang tumawag sa amin.

Si Lenneth pala.

Anong ginagawa niya dito??

“hoy Kai! Bakit wala ka sa klase kanina?”

Sabi niya nang makalapit na siya sa amin..

Hala! Oo nga pala! nakalimutan kong may klase ako!

“at bakit hindi ka pumasok.. at bakit nak—“

Napatigil si Lenneth sa pagsasalita nang makita niya ang kamay namin.

“woaah! Siya ba ang dahilan ng pagka-cutting mo Kai? Hi Mr. Pogi!”

Sabi niya at ngumiti siya ng ngiti na hanggang tainga. Grabe! Ano ba ang nangyayari sa nilalang na to?

Bakit siya natutuwa sa lalaking kasama ko?

“hindi ako nagkaka-cutting Lenn! May inasikaso lang ako”

“with Mr. Pogi?”

Tanong niya sa akin with her doubful smirk.

What’s with this girl anyway?

“so nakilala mo na pala siya Kai? Anong pangalan ni Mr. Pogi?”

Tanong niya sa akin at tinanggal niya ang pagkakahawak ni Matt sa kamay ko.

Mukha namang nagulat si Matt sa ginawa ni Lenn.. nababasa niya kaya ang nasa isip ni Lenn?

Tumingin ako kay Matt at nagulat ako nang umiling siya.

Oo nga pala! nababasa niya ang nasa isip ko pero teka?

Di niya nababasa ang iniisip ni Lenn?

Muli siyang umiling at napatingin naman si Lenn sa akin..

“huh? May eye contact na kayo? Woaaah! Kayo na ba ni Mr. Pogi Kai?”

Tanong sa akin ni Lenn at ngumiti na naman siya ng malapad.

“mabuti pa sumama ka na lang sa amin sa cafe”

Biglang nagsalita si Matthew at nakatingin siya kay Lenn.

Niyayakag niya si Lenn sa cafe?

Teka? doon ba kami dapat pupunta?

Napatingin ako kay Matt at bigla siyang tumango..

Ayss..paano na lang kung nag iisip ako ng bastos? Malalaman din ba niya?

“kung ganun tara!”

Excited na sabi ni Lenn at nanguna siya na naglakad papunta sa may gate.

"FUTURE EX"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon