PANGSAMPU: ENDING (SEEING EX)

378 15 62
                                    

TWO YEARS LATER...

“God Kai! Sabi ko na nga ba! Dito kita makikita! Dota pa din?! Halika na malelate na tayo!”

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Lenneth na nakapamay awang..

Sinusundo na naman niya ako sa computer shop na ito..

Bakit kasi ayaw niyang mag aral maglaro eh T___T

“hinding hindi ako mag aaral niyan kahit anong pilit mo!”

Sabi ni Lenn sa akin..

Huh? Mind reader?

“alam kong yun ang iniisip mo hoy! Dahil paulit ulit mo na akong pinipilit dyan sa DOTA na yan! Ay naku! Kahit sampung taon ka pang mamilit sa akin, hinding hindi ko yan pag aaralan! Halika na at papasok na tayo!”

Sabi niya sa akin sabay kaladkad palabas ng shop..nagpahila naman ako habang tinitingnan si Drake na bantay ng computer shop..

Hihihi! Hindi ako nagbayad at makakatakas ako! wooh!

Si Drake ay Ex ko pero ewan ko ba? Biglang isang araw, hindi ko na makita sa kanya ang kahit anong galit, inis, lungkot o pagmamahal..

Basta para na lamang siyang isang simpleng tao na nakilala ko..

Nakakagulat nga eh..

Parang sa isang iglap, nakalimot na ako agad.

Ewan. Weird eh.

Pero hindi na bumalik ang pagiging close namin..

Casual na lamang kami, simpleng ngitian..parang ganun..

“hay naku! Ewan ko ba sayo Kai! Bakit natuto ka pa ng DOTA na yan eh! Yang magaling na Drake na yan ang nagturo niyan sayo eh”

Sabi ni Lenn habang hila hila pa din ako..

“oh eh di siya ang sisihin mo, ang sarap kaya maglaro lalo pag si Leshrac ang gamit ko”

Sabi ko sa kanya. Talaga tong babaeng to, laging issue sa kanya ang paglalaro ko (=____=)

Habang hila hila niya ako ay dumaan kami sa may tulay at may nakapukaw ng atensyon ko..

Lalaking nakablack na coat na mukhang uniform ng school niya..

At nakaheadset siya..

Tumigil ako saglit para tingnan siya..

“Oh bakit?”

Tanong sa akin ni Lenn at alam kong nakatingin siya sa akin pero daretsyo pa din ang tingin ko sa lalaking yun..

“mauna ka na, may ipis sa tulay”

Sabi ko habang nakatulala sa lalaking yun..

“huh?”

Sabi ni Lenn at tumingin ako sa kanya na walang expression ang mukha ko..

“hindi ako papasok, tutulungan ko pa ang mga allien sa pagsakop sa mundo”

Sabi ko ulit at mukha naman siyang ewan na parang naiinis na tumingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"FUTURE EX"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon