PANGALAWA: MISSING EX

406 19 20
                                    

 

“ano ba ang hitsura ng unggoy mong ex?”

Tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng school.

At habang lahat ng babae ay tumitingin sa kanya at nagbubulungan.

“sino? Ikaw?”

Tanong ko sa kanya habang natatawa pa din dahil naalala ko ang mukha niya nang mahulog siya sa bench.

“itigil mo na nga yang kakaisip sa pagkahulog ko kanina! Lintek!”

Bigla niya yung sinabi na para bang asar na asar siya.

Oo nga pala! nababasa niya ang nasa isip ko!

Naku! Pero di ko talaga kasi mapigilan ang katatawa ko eh!(>___<)

“pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

Tanong ko sa kanya. Naisip ko lang kasi, kanina pa kaming nag uusap at nagpapaniwala na ako na totoo ang kalokohang ito pero hindi ko pa din nalalaman ang pangalan niya.

“Matthew”

Simpleng sagot niya sa tanong ko..

“Woaaah! *O* Matthew ang pangalan mo? So pag pinagsama ang pangalan natin, KAMA? Astig!”

Sabi ko na may kasama pang paghawak sa dalawang pisngi ko..

Ang astig ng pangalan namin!

“tigilan mo nga ako sa kalokohan mo, (=___=) hindi ako makapaniwalang pinatulan kita”

Bigla niyang sinabi with his poker face.

“grabe ka! Hindi ka pa naniniwala na pinatulan mo ako eh nagawa mo ngang pumunta sa past ko! hahaha”

Sabi ko ulit at mukha naman siyang nahiya na ewan.

In fairness. Ang galing kong pumili, bukod sa gwapo na siya.

Cute pa. At mukhang kahit na mataray ay may sense of humor namang kausap! Mahusay future Kai!

Mahusay! \(^O^)/

“I know”

Sabi niya at bigla siyang humarap sa akin.

Holy shizzz (O____O)

Nagulat ako sa ginawa nya!

Did he just—

KISS ME??

“hoy anong-“

Di pa ako tapos sa sasabihin ko nang makita ko si Drake kasama ang mga barkada niya at tumingin sila sa amin.

Natulala ako at hindi ko alam ang sasabihin ko.

Naaah! Bakit ganito! Bakit di ako makagalaw?

&quot;FUTURE EX&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon