Yoon: 7

48 2 2
                                    

Bold Italic - Jisoo
Bold - Jeonghan

_________________________________________

"Jisoo? May problema ba?"

Sabi ko sa kanya dahil kanina pa siyang nakatulala sa pagkain niya. Ang tahimik rin niya ngayon, may mga hindi ba siya sinasabi sa'kin?

"Uhh. . . wala naman, bakit?"

"Mukhang problemado ka eh, kumain ka na."

Tumango siya at kinain niya na yung carbonara na nasa harap niya.

Nandito kami sa isang restaurant para mag-date, pero mukhang 'di siya masaya ngayon. Sobrang tamlay ng mukha niya. Ni 'di ko man lang siyang nakitang masaya o nakangiti.

Until he sighed heavily, tumingin siya sa'kin ng malungkot. Kitang-kita sa mga mata niya na pagod na pagod na siya. Pero pagod saan?

Tinignan ko siya directly sa mata. Hinawakan niya yung kanang kamay ko at nagsimula na siyang magsalita.

"Ayoko na, Han."

"What do you mean?"

"I'm tired of being a useless boyfriend to you, 'di mo'ko deserve."

His words made my eyes form tears. Bakit niya ba sinasabi yung mga ganyang bagay? Akala niya ba wala siyang halaga sa'kin?

"Uy? Ano ba yang pinagsasabi mo? You're not useless!"

"Yes I am, lagi ko na lang kasing napapansin yung mga efforts na ibinibigay mo saakin, pero wala naman akong naisusukli."

". . ."

"Ilang weeks na tayong hindi nagkikita dahil sa work. Ilang weeks na rin tayong hindi nakakapag-date. Ilang weeks na tayong. . ."

". . ."

"ganito."

"So anong ipinapamukha mo sa'kin?"

At doon ko naramdaman yung pagtulo ng mga luha ko. Dahan-dahan silang bumababa sa pisngi ko. 'Di ko na kaya, ayaw kong mapunta kami sa sitwasyon na'to.

"I'm sorry Han, I'm sorry that I promised you that I can give you a happy relationship, but I didn't."

". . ."

"I tried to force myself to love you again but, nothing changed."

" . . . "

"I'm sorry, pero nawawala na yung pagmamahal ko para sa'yo. Romantically."

". . ."

Sa mga sinabi niya, para akong sinaksak ng paulit-ulit. Nakakasakit ng dibdib yung mga sinabi niya.

Akala ko siya na yung para sa'kin. Yung magpapasaya at magpapaligaya ng buhay ko. Pero, siya pala yung magiging dahilan ng pagkaguho ng mundo ko.

"Mas lalo ka lang masasaktan kapag pinagpatuloy pa na'tin yung relasyon na 'to. Pareho tayong may trabaho kaya nawawalan na tayo ng time para sa isa't-isa."

". . ."

"Pabigat lang ako sa'yo Han, feeling ko kasi 'di ka nagiging malaya dahil sa'kin. Nire-reject mo na halos lahat ng gala niyo ng mga kaibigan mo para lang sa'kin. Pakiramdam ko kasi abuso na'ko para sa iba."

"Pero napansin mo ba na pwede akong masaktan?"

"Han--"

"HINDI DIBA?"

Sumigaw ako sa harapan niya. Halos lahat ng tao sa loob ng restaurant ay nakatingin sa'min, pero wala akong pakialam.

Mas lalong tumulo ang mga luha ko kasabay ng pag-pula ng mga mata ko. Agad ko namang tinanggal yung pagkahawak niya sa kanang kamay ko.

". . ."

"Jisoo, mahal kita. Kahit anong pagsubok man ang dumaan sa relasyon natin, lalabanan natin 'yon."

". . ."

"Please. . ."

". . ."

"don't leave."

"I'm sorry Han, pero pagmamahal ng isang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."

"Kaibigan? Sinayang mo yung tatlong taon na pinagsamahan natin tapos sa huli, ganito ang maririnig ko? Kaibigan?"

Kitang-kita rin sa mga mata niya na nalulungkot siya. Tumutulo na din yung mga luha na galing sa mga mata niya.

". . ."

"Ganun ba 'ko ka-tanga para sayangin yung tatlong taon? Na kasama ka? Jisoo! Akala ko ba mahal mo 'ko?"

"Oo, minahal kita. Pero unti-unting nawawala yung pag-tibok ng puso ko para sa'yo."

". . ."

"Jeonghan makinig ka, minahal kita sa loob ng tatlong taon. Pero, iba yung nararamdaman ko, hindi siya pagmamahal bilang isang kasintahan."

". . ."

"I'm sorry Jeonghan, I'll--"

"Eh bakit 'di mo agad sa'kin sinabi na iba na pala nararamdaman mo?"

". . ."

"Sana sinabi mo na lang kaagad sa'kin para di ka na nagsayang ng tatlong taon."

". . ."

"Napaka-tanga mo."

❄❄❄

OoOOoHHh bOOM PANESSXXZZZ
Tanga raw si Shua, payag kayo non Joshua stans?

cHOUR GAHAHAHHA.

tbh, I'm bad at making these hshs
💜💜💜

Best Mistake | JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon