"Hyung?"
"Hyung, gising. . ."
"Hala, Kwan ang init niya"
Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko. Ganda ganda ng panaginip ko ei, pero mas maganda yung nananaginip hihi.
Binuksan ko yung mga mata ko at nakita ko sina Seungkwan at Mingyu na nagaalala. Ano ba nanaman yung problema nila? Nakakita lang ng maganda eh.
"Oh? Bakit nandito kay-- AH!"
Nang tumayo ako sa hinihigaan ko, biglang sumakit yung ulo ko. Hinawakan ko yung noo ko, at nakaramdam ako ng hilo at bigat ng pakiramdam.
"Wag ka munang tumayo, hyung."
"May lagnat ka ata hyung, sobrang init ng katawan mo eh."
"Wait lang, kukuha lang ako ng tuwalya tsaka malamig na tubig."
Umalis si Mingyu sa loob ng kwarto ko para pumunta sa kusina. Lumingon ako kay Seungkwan at tinititigan ko siya ng masama.
"Hi, hyung. . . hehe . . ."
Tinaasan ko siya ng kilay bago ako magsalita.
"Bakit 'di ka pumasok? May klase ka ngayon diba?"
"Kasi, hyung ano eh. . . ahm. . ."
". . ."
"hindi ako nakauwi sa dorm kagabi, hehe."
"Yun lang ba?"
Napabuntong hininga siya at napilitan siyang sagutin ang totoo.
"Ang totoo niyan hyung, hindi ako maka-get over sa mga nangyayari sa'yo ngayon."
". . ."
"Simula nung iniwan ka ni Jisoo hyung, nagaalala na'ko para sa'yo, katulad nito. Nagkaroon ka ng lagnat, paano na lang kung pumasok ako sa university? Edi walang magbabantay sa'yo ngayon. . ."
". . ."
"Tsaka, 'di lang naman yun ang inaalala ko. Gusto kasi namin, kaming mga kaibigan mo, na pasayahin ka't lalo na hindi maganda yung pakiramdam mo ngayon dahil kay Jisoo hyung. . ."
"Salamat. . ."
Nginitian ko si Seungkwan at agad namang dumating si Mingyu na may dalang container ng malamig na tubig at tuwalya.
Nilublob niya sa tubig 'yung tuwalya at pinigaan niya ito. Nilagay niya yung basang tuwalya sa noo ko at napatingin siya sa'kin.
Crush ko talaga 'tong si Minggoy eh, gwapo gwapo niya tapos matangkad tapos mabait pa siya, kaso siraulo naman. Nung biglang dumating sa buhay ko si Jisoo unti-unting nawawala yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero nawala rin si Jisoo, kaya I treat Mingyu as a friend na lang since ayoko nang ulit magmahal.
"Gwapo ko 'no?"
"gago."
"Hehe joke lang hyung, ay joke lang ulit, gwapo talaga ako."
"?"
"Ano ba kasing nangyari at nagkaroon ka bigla ng lagnat?"
Nung uuwi na ako pabalik sa bahay galing sa coffee shop nung isang araw. Tumutulo ang mga luha ko no'n dahil sa sakit na nararamdaman ko after ng break up namin ni Jisoo. Naglakad lang ako nung time na 'yon nang biglang bumuhos yung ulan. Mas gugustuhin ko pa yung nabubuhusan ako ng ulan para hindi makita yung mga luha ko na bumubuhos din.
"Siguro, sa stress?"
"Huh? Pa'no nangyari 'yon?"
"Pwede ka pala magkaroon ng lagnat dahil sa stress? Ngayon ko lang nalaman 'yun."
"Oo nga! S-search niyo pa. . ."
Tama lang naman siguro na nag-sinungaling ako. Nakakaawa na kasi sila tingnan, lagi na lang silang nagaalala sa'kin. Ayoko nang dagdagan pa yung problema nila.
"Ikaw naman kasi hyung, alagaan mo naman 'rin yung sarili mo."
"Oo nga, nakakaawa kang tingnan pag may sakit ka eh. Parang isang ubo ka na lang."
"Kwan!"
"Ay joke lang po hehe!"
Hinampas ko ng unan si Seungkwan at nag-peace sign siya. Kahit mga siraulo yung mga kaibigan ko, nagpapasalamat pa 'rin talaga ako at sila ang naging mga kaibigan ko. Nandiyan sila para gabayan ka, alagaan ka, at mahalin ka. And I am thankful for that.
❄❄❄
Sana all may mga kaibigan like them. Takas mental kasi yung akin ee, psh.
💜💜💜