"Hyung! Buti naman at duma-" -Kwan
"Hyung? What happened?" -Gyu
"Bakit ka umiiyak?" -Hao
Niyakap ko si Seungkwan at humahagulgol ako sa dibdib niya. Pinapat naman nina Mingyu at Hao yung likod ko.
Oo, pumunta ako sa coffee shop na sinasabi ni Kwan. Mabuti nalang talaga at nandito silang tatlo. Meron akong masasandalan.
"Hyung, ano bang nangyari?"
Tinanggal ko yung pagkakayakap ko kay Seungkwan at pinunasan ko ang mga luha ko bago ako magsalita.
"Si J-Jisoo--"
"Sabi ko na nga ba eh!"
"Shhh! Let him talk." -Hao
Nakatingin lang sila sa'kin ng seryoso. I let out a heavy sigh before talking.
"Wala na k-kami. . ."
Nagulat silang tatlo nang marinig nila yung sinabi ko. Mas lalong sumakit yung dibdib ko nang sinabi ko 'yon. Sobrang sakit.
Napaluha lalo ang mga mata ko. Niyakap ako ni Mingyu at pinupunusan niya yung walang tigil na pagluha ng mga mata ko.
"Shhh, sige lang hyung. Umiyak ka na lang muna ngayon. Basta kinabukasan wala na 'yan ah?" -Gyu
"Yep, ngayon ka lang magsasayang ng luha para sa kanya."
"He's not worth to cry for." -Hao
"Thank you guys. . ."
Niyakap ko silang tatlo at nabawasan yung lungkot na nararamdaman ko. Tama naman si Minghao, he's not worth to cry for. 'Di ko kailangang mag-sayang ng luha para sa taong pumapanggap lang na mahal ako.
"Wait lang, oorderan kolang ng pagkain si Hyung." -Hao
"Thanks Hao!"
Pinaupo ako nina Seungkwan at nagsimula siyang magsalita. Halata rin sa mga mata niya na nagaalala siya.
"Hyung? Ano? resbakan na namin ni Gyu yung Jisoo na 'yun?"
Sabi ni Kwan at tinaas niya yung sleeves ng sweater niya para magmukha siyang lalaki. Kahit ano namang gawin niya never siya magiging straight, tsk tsk.
"Sige, para bugbog sarado ka at 'di ka papansinin ng crush mo."
"Joke lang hehe."
"Pero Kwan. . . lahat ng mga sinabi mo sa'kin kanina sa phone. . ."
". . ."
"'di ko aakalain na, pwede pala talagang mangyari 'yun."
"Hyung, I'm sorry."
"Hm? Ba't ka nagso-sorry? Tama naman talaga yung mga sinabi mo, buti nga napapansin mo na hindi maganda yung pakikitungo niya sa'kin eh"
". . ."
"habang ako, nagpapaka-tanga para sakanya."
Nginitian lang ako ni Kwan. Dumating si Minghao na may dala-dalang pastries at frappe. Binigay sa'kin ni Hao yung frappe at tinanggap ko naman ito.
Yung sakit na nararamdaman ko, bumaon na sa puso ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. I don't know how to move on. I don't know how to handle things like this. I don't know how to heal myself.
"I'm sorry Han, pero pagmamahal ng isang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."
"I'm sorry Han, pero pagmamahal ng isang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."
"I'm sorry Han, pero pagmamahal ng isang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo."
Those words keeps on repeating on my mind. Kaya paulit-ulit akong nasasaktan.
Shit,
I don't wanna live anymore.
❄❄❄
Akin ka na lang kasi Han, 'di kita iiwan promise!
/le sinapak ni Seungcheol/💜💜💜