"Chan! Ano mas magandang suotin? Yung sky blue or yung black?" Tanong ko kay Chan na busy'ng naglalaro ng kaniyang cellphone.
"Kung saan ka komportable, hyung." Sagot niya saakin na nakatuon pa 'rin ang kaniyang atensyon sa kaniyang hawak.
"Yeah, I know. Pero ang ibig 'kong sabihin kung ano yung presentable naman tignan."
Lumingon siya sa aking direksyon at inilipat naman kaagad ang kaniyang tingin sa damit na nakalapag sa tabi ko. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata pagkatapos niyang tignan ang mga damit.
"Saan ba lakad mo hyung at mukhang natataranta ka kung ano susuotin mo? Kanina mo pa ako kinukulit, e." Wika ni Chan sa akin at ibinalik ang kaniyang tingin sa kaniyang cellphone. "Tsaka, imposible namang may date ka ngayon."
"Kung maka imposible 'to ah! Sa gwapo kong 'to? Sus! Madali lang akong makahanap ng ka-date." Sabi ko kay Chan at napairap naman siya.
"Pero seryoso, hyung. Saan ka pupunta? Hindi ba dapat nagpapahinga ka ngayon kasi pagod ka kahapon?"
"H-huh? Pagod saan?"
"Luh, nakalimutan mo na yung nangyari sa'tin kagabi?"
puta-- ANO RAW?!
"M-May nangyari sa'tin kagabi?"
"Seryoso hyung? Nakalimutan mo? Ganyan ka na ba katanda at nagiging makalimutin ka na?"
"'D-Di kita maintindihan."
"My ghad, hyung! Napagod tayo kagabi sa kakalakad sa park, tapos bigla mo akong hinila papunta sa isang bar! Alam mo bang minor pa 'ko? Ha?"
"A-Ah. . . hehe."
Kung ano-ano kasing naiisip mo Seungcheol, e. Tsk. 'Wag kang masyadong green, Cheol. Nakakasama 'yan sa kagwapuhan mo.
"Lasing na lasing ka nga no'n, e. Kaya napagod ako lalo kasi binuhat pa kita papasok sa kotse, psh."
"Sorry na, 'eto naman. Minsan lang naman ako mag-bar, hehe."
"Kahit na! Ang dami ko ngang nakitang kalaswaan, e! May naghahalikan, naglalaplapan, naghuhubaran--"
"Chan! Tama na, move-on na tayo do'n. Sorry na ulit, hehe."
"Kahit mag-sorry ka man ng ilang beses, hindi pa 'rin malilinis ng sorry mo yung virgin eyes ko! Hyung, ang bata ko pa, e."
"Sorry na nga baby Chan ko, ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo 'ko? Bilhan kita ng gatas? Diaper? Or, bagong bib?"
"Gago."
"Aba! Kailan ka pa natutong mag-mura, ha? Tsaka hyung mo pa 'rin ako!"
"Tss." Umiling na lang ito sa'kin at tumayo para maglakad papalayo. Iba 'rin 'tong bata na 'to ah. Pero bago siya tuluyang makalabas, lumingon siya muli sa'kin at sinabing,
"Mas bagay sa'yo yung black, hyung." At tuluyan na itong lumakad papalayo saakin. Mabuti naman at sinagot na niya ako.
Sagot sa tanong, a! Hindi ko siya nililigawan, ew.
Sinuot ko naman kaagad yung black na hoodie at pinartneran ko ito ng black jeans, nagsuot na 'rin ako ng brown coat at white cap dahil sa lamig ng panahon.
Nag-iwan muna ako ng sticky note bago tuluyang umalis sa bahay at idinikit ko iyon sa ref. Kung sakaling makalimutan man ng batang kasama ko dito sa bahay, at least may reminder siya na naka-schedule yung paglilinis niya ng bahay ngayon, huehuehue.