Yoon: 9

46 3 5
                                    

"ARRGHHH!"

Sigaw ko nang pumasok ako sa loob ng apartment ko. Hindi na lang lungkot ang nararamdaman ko ngayon, pati na galit.

Tinapon ko sa sahig yung backpack at sapatos ko. Dumiretso ako sa loob ng kwarto ko at hinagis ko ang sarili ko sa kama ko.

Hinahawakan ko nang mahigpit yung bedsheet dahil sa inis at lungkot na nararamdaman ko.

Oo, mukhang okay lang ako kanina nung kasama ko sila Kwan, pero hindi pa rin talaga.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at kumuha ako ng unan para may yayakapin ako habang umiiyak ako.

Patuloy pa'rin ang pagtulo ng mga luha ko. Ganun pala kapag nasasaktan, halos maubos na lahat ng luha mo sa kakaiyak.

Ang bigat bigat sa pakiramdam, akala ko siya na talaga. Yung taong magpapasaya sa'kin. Yung taong ico-comfort ako palagi. Yung taong makakasama ko habang buhay. Pero ang lahat nang iyon, ay ang kabaliktaran.

Ang mga mata ko, mukha nang namamaga dahil sa sobrang pula. Walang tigil ang pagsinghot ko sa sipon ko. At patuloy pa 'ring lumulungkot ang emosyon ko.

My heart feels like it was broken into pieces. Am I not that worthy to love? Hindi ba kong kayang mahalin? Lahat nalang ba ng tingin ng tao sa'kin, kaibigan?

This is also my fault, masyado kong in-attached yung sarili ko sa kanya. Sa sobrang pagbibigay ko ng pagmamahal ko para sa kanya, hindi ko na naisip na pwede niya rin pala akong iiwan.

Tinaas ko yung ulo ko sa pagkakayuko ko. Nakita ko yung picture naming dalawa ni Jisoo na naka-frame. Kinuha ko iyon at tiningnan ko yung litrato.

Yung ngiti niya kaya dito, totoo o peke? Gusto ko nang ibalik yung dating kami, nung masaya pa kami. Pero alam kong imposible nang mangyari 'yon.

Tinapon ko sa basurahan yung litrato naming dalawa, it's useless anyway.

_________________________________________

4 Little Hakdogs
Active Now


Seungkwan: MGA HAKDOG!

Seungkwan: nagaalala na'ko para kay mamshie Han :<

Minghao: sameee :(((

Mingyu: tangina lang talaga ng Jisoo na'yun.

Mingyu: Dapat kasi ako nalang pinili ni Han para 'di siya humahagulgol ngayon.

Seungkwan: eh ayaw nga niya kase sa mAITIM.

Mingyu: pakyu.

Minghao: guys? Hindi ba malaki yung chance na baka saktan ni Jeonghan yung sarili niya?

Seungkwan: wdym?

Minghao: Sabi kasi niya kanina sa'kin sa coffee shop, ayaw na daw niya sa mundo na 'to. Hindi kaya . . .

Mingyu: ano ka ba Hao? HAHAHAHAHA 'di sasaktan ni Han yung sarili niya 'no?

Mingyu: Tsaka, baka gusto niya ata tumira sa Mars kasi ayaw na daw niya sa mundo na 'to diba?

Seungkwan: hayss

/Seungkwan removed Kim Mingyu/

Minghao: uy? ba't mo naman ni-remove?

Seungkwan: nabibwisit ako eh.

/Minghao added Kim Mingyu/

Mingyu: hOY SEUNGKWAN! LAKAS NG AMATS MO AH?

Seungkwan: say that to yourself.

Mingyu: wow ha, porket nilalandi mo yung gwapong amerikano sa university niyo pa-english english ka na 'rin.

Seungkwan: ganun talaga.

Seungkwan: okay, back tayo dun sa topic ni sinasabi ni Minghao.

Seungkwan: pINAPAKABA MO NAMAN AKO HAO JUSQ. Hindi naman siguro magpapakamatay si Jeonghan hyung diba?

Minghao: pero may chance? Nagbigay siya ng mga clue kanina nung umiiyak siya ee.

Mingyu: paktay.

Mingyu: HOY KWAN, PUNTAHAN MO NA SI MAMSHIE HAN SA APARTMENT NIYA! BAKA NAGLALASLAS NA YUN! HUHU!

Seungkwan: shete, ba't ako?

Mingyu: Ikaw yung may pinakamalapit na bahay kay Han, duh?

Seungkwan: Oo na, sige na!

Minghao: Bilisan mo hyung!

Mingyu: dalian mo Kwan! Baka kung ano nang nangyayari kay Jeonghan!

Seungkwan: Oo na mga ser!

_________________________________________

❄❄❄

emeged, I lab GyuHan hshshs.
/le sinapak ni Seungcheol pt 2/

Best Mistake | JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon