Choi: 22

41 3 1
                                    

Linggo ngayon at simula nanaman ng isang nakakapagod na araw. Tumunog yung bell nang binuksan ko yung pinto ng resto. Tahimik at madilim pa ang paligid kaya naisipan kong buksan ang mga ilaw at umupo sa isa sa mga upuan.

Since wala naman akong magawa at tamad akong maglinis, naisipan kong i-chat nalang si Jeonghan kasi minention niya saakin one time na midnight ung shift niya and 3:00 am pa lang naman ng umaga. For sure, gising siya sa mga oras na 'to.

Sa oras siguro ngayon na hindi pa ako napopromote bilang isang manager, for sure tulog pa ako ng ganitong oras. Pero ngayong na-promote na ang isang gwapong katulad ko? Aba'y nagdudusa na ako.

Yoon Jeonghan
Active Now

Seungcheol: JEONGHANNNNNN

Jeonghan: aNOOO?!

Jeonghan: aga-aga e.

Seungcheol: Nasa work ka pa ba?

Jeonghan: Nope,

Jeonghan: pauwi na ng bahay.

Seungcheol: Ahh ok,

Seungcheol: ingat ka.

/Seen/

Jeonghan: ayieeee

Jeonghan: concerned siyaaaaa~

Seungcheol: edi wao

Seungcheol: Wag kang masyadong mag-assume,

Seungcheol: sinasabihan lang kita kasi tatanga-tanga ka.

Jeonghan: wow ha? Bakit nakita mo na ba akong gumawa ng katangahan?

Seungcheol: Of course!

Seungcheol: Yung araw na chinat mo ako,

Jeonghan: katangahan 'yon?

Seungcheol: Oo,

Seungcheol: kasi nag-chat ka sa'kin ng 'I love you' bigla tapos, sinabi mo na lang na wrong send 'yon.

Jeonghan: Hoy! Mga kaibigan ko yung gumawa ng katangahan na 'yon! Dahil lang naman sa kanila kaya ko na-send 'yon e.

Seungcheol: edi shing

Seungcheol: Palibhasa kasi nasaktan ka lang dahil hindi ako nag-'I love you too' eh.

Seungcheol: Love you too❣️

/Seen/

Jeonghan: tangina,

Jeonghan: ew

Jeonghan: yuck

Jeonghan: kadiri

Jeonghan: in your dreams, Choi.

"Hoy hyung, bakit nakangiti? Mukha kang ewan sa labas ng resto. Kitang-kita yung gilagid mo sa bintana, yuck."

"Hoy! At sino ka naman para— UY! YUNG CELLPHONE KO LEE CHAN!"

Hinablot niya ng mabilis yung cellphone ko habang pilit ko na kunin ito pabalik sa'kin. May future ata 'tong bata na 'to sa pagnanakaw eh.

"H-Hyung, si J-Jeong--” nanginginig niyang sabi.

“I know.”

“P-Pero, paano? ‘Di ba patay--” sabi ni Chan kaya agad ‘kong pinutol ang kaniyang sinasabi.


“No, he’s not dead.” sabi ko sa kaniya “Tsaka, hindi pa tayo sigurado kung siya ba talaga ang Jeonghan na hinahanap ko. I have to find more evidences to prove that he is that Yoon Jeonghan.”

Tumango na lamang si Chan habang tinitignan ang cellphone ko na hawak-hawak niya ngayon. He showed a bitter smile at me.

"Edi hyung, sino siya?"

"A-Ah, ano. . .kaibigan ko."

"Kaibigan mo pero ina-'I love you too' mo."

"Bakit ba? Wala ka na ‘dun ok?"

"Eii, sige na! Kwentuhan mo pa ako sa kaniya!"

"Aish."

Kinuwento ko sa kaniya lahat, kung paano kami nagkakilala at kung paano namuo yung closure namin sa isa‘t-isa.

"Eh bakit ayaw mo pang makipag-meet sa kaniya personally? Malay mo, siya pala talaga si Jeonghan hyung."

"Busy 'yon sa trabaho niya."

"Eh para saan pa yung day-off? Duh?" sambit ni Chan "Wag bobo, hyung" dagdag pa nito at inirapan niya ako.

"Alam mo? Dinadaan-daan mo 'ko diyan sa pinagsasabi mo, yung cellphone ko kasi!"

"Bili ka na lang, mataas na sahod mo e." pang-aasar nito sa‘kin.

"Isa, babalik mo? Babalik mo?"

"ewan"

"Dalawa!"

"bahala ka d'yan."

"Subukan mong paabutin 'to ng tatlo."

"Oo na!"

Padabog siyang dumiretso siya sa staff room para magpalit ng uniform pagkatapos niyang ibigay yung cellphone ko.

May napansin akong kakaiba sa mga mata ni Chan nang malaman niya kung sino ang kinakausap ko sa messenger. His reactions were fake, nararamdaman ko yung lungkot sa mga mata niya.

Hindi ba siya masaya para sa akin? Hindi ba siya masaya na unti-unti na akong napapalapit sa taong hinahanap-hanap ko na nang ilang taon?

❄️❄️❄️
Ang gulo na ng flow ng story, sorry HUHU
💜💜💜

Best Mistake | JeongCheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon