7

83 7 0
                                    

Nagulantang ako nang tumugtog ang intro ng trouble maker. Alam ko ang sayaw na to pero hindi ko gustong sayawin. Uupo na sana ako nang hilahin naman ako ni Loreinz.

"Frustrated na yung kuya mo. Baka gusto mong tulungan" Napatingin ako kay kuya na hindi na talaga alam ang gagawin. Napansin din pala ni Loreinz.

"Alam mo ba yang kanta na yan? Ang laswa kaya" Bulong ko pabalik.

"Walang malaswang sayaw" Sagot niya at sinimulang sumayaw. Sa unang pagpitik ng kamay niya ay agad akong tumalikod para gawin din ang step ko.

Dinig ko ang paghinga niya sa likudan ko. Humawak ako sa balikat niya nang oras na para gawin ang step ko.

Ni nuneul bomyeon nan Trouble Maker
Ni gyeote seomyeon nan Trouble Maker
Jogeumsshik deo deo deo
Galsurok deo deo deo
Ijen nae mameul nado eojjeol su~

Nang dumating na sa parte ng chorus ay naiilang na itinuloy ko ang pagsayaw. Lalo na sa parte kung saan lumandas ang kamay niya sa bewang ko.

Pinagpapwisan ako dahil sa tuloy tuloy na pag sayaw. Sa totoo lang ay nadadala ako sa pag sayaw ni Loreinz. Kagaya ng dalawang kapatid niya ay nakakadala din ang sayaw niya. Pigil na pigil ang galaw ko dahil nahihiya ako pero dahan dahan akong nadadala sa pagsasayaw niya.

"Just dance through your heart content" Bulong niya nang lumapit siya sa likuran ko. Habang sumasayaw ay ramdam ko ang paghinga niya sa batok ko.

Hindi ko mapigilan na madala at sinabayan lang ang pag galaw niya. Hindi ko din namalayan na ang ekspresyon sa muka ko ay sumasabay na sa kaniya.

Nang matatapos na ang kanta at dadating na ang parte kung saan maglalapit ang mukha namin ay bumalik ang hiya ko ngunit bigla niya akong hinila at pinagdikit ang katawan namin.

Hindi ko napigilan ang pagpula ng mukha ko. Ang lapit namin sa isa't isa. Sabay ang malalalim na paghinga namin at nakatingin lang kami sa isa't isa.

"Ang galing mo pala sumayaw Brianca!" Puri saakin ni kuya Renzelle kaya naman naputol ang pagtititigan namin ni Loreinz.

Humiwalay ako sa kaniya at doon nagtama ang paningin namin ni Caden.

Lumapit ako kay Caden na hindi ko mabasa ang ekspresyon.

"Caden--" Naputol ang sasabihin ko dahil agad niyang pinunasan ang buhok ko na punong puno ng pawis. Inabutan niya din ako ng mineral water na tinanggap ko.

"Pawis na pawis ka naman Brianca" Sinilip ko ang ekspresyon sa muka niya at nakitang bahagya siyang nakangiti ngunit hindi ito umaabot sa mata niya.

"Syempre,nag sayaw ako" Nginitian ko siya at inayang pumunata sa gitna. Nalilito siyang sumunod saakin.

Kinuha ko kay kuya Renzelle ang cellphone at agad na nagpatugtog.

Nang marinig niya ang kanta ay agad siyang napangiti. Yung ngiting gusto kong makita sa kaniya.

Sabay naming kinabisado ang choreography ng sayaw na to at hanggang ngayon ay kabisado pa din namin. This is a choreography from 1MILLION dance studio.

Sa pagbagsak ng unang nota ng kanta ay sabay kaming lumakad palapit sa isa't isa.

"Just say you won't let go" Sabay niya sa kanta habang sabay din na gumagalaw ang katawan naming dalawa.

This is what you call a dance lead by the heart. Nakangiti kami pareho at hindi namin alintana ang nakatingin saamin. Ang alam lang namin ay mahal namin ang kasayaw namin. Ganun pa man hindi maalis sa isip ko ang kataksilan niya. Nakangiti man ako ay hindi pa din ganon kabuo ang tiwala ko. Hindi katulad dati na sa tuwing sasayaw kami ay wala na akong ibang maiisip kundi ang hinaharap naming dalawa. Ngayon ay may kasama nang pagdududa.

Nang dumating ang huling parte kung saan yakap niya ako ay bumilis ang tibok ng puso ko hindi dahil yakap niya ako kundi dahil naisip ko na yinakap niya din si Mae nang ganito.

Inalis ko sa isip ko ang mga bagay na iyon at hinarap si Caden.

"I love you" Sabi niya ngunit imbis na matuwa ay kinabahan ako.

Bakit?

Dahil hindi umabot sa mata niya ang ngiting ibinigay niya saakin.

Defying Mr. Player (Acosta-Alcantara Series #1)Where stories live. Discover now