17

77 7 0
                                    

"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong sakin ni Loreinz.

"Uuwi, ikaw?" 

"Sasamahan kang umuwi" Walang gana niyang sagot ngunit kita ko ang pag pula ng tenga niya.

Bakit ba ang cold niya pero ang cute din at the same time?

"Loreinz" Napatingin kaming dalawa ni Loreinz sa tumawag sa kaniya at nakita ang isa sa mga kasamahan namin sa training. 

"Uuwi ka na ba?" Ngumiti siya ng matamis kay Loreinz at hinawakan pa ang braso niya.

Tinignan ako ni Loreinz at nang makitang nakatingin ako sa braso niya ay agad niyang binawi ang braso niya sa babae.

"Oo eh, bakit?" Sagot niya nang wala man lang emosyon.

The typical Loreinz.

"Mag papa turo sana ako na mag over hand serve" Ngumiti ulit ito at pinakita ang bola kay Loreinz.

Tumingin siya sakin at tumingin lang din ako sa kaniya. Parang tinatanong niya ako kung tuturuan niya ba yung babae o hindi. Nag tinginan lang kami at gusto kong iparating sa kaniya na bahala siya pero hindi ko kinakalimutan yung sinabi niyang ihahatid niya ako pauwi.

Binawi niya ang tingin niya saakin at tinignan ang babae. 

"Tara" Iniwan nila ako doon at nag punta sa malapit sa net.

Iniwan talaga ako? 

Hindi ko alam kung bakit nakatayo lang ako doon at nakatingin sa kanila. Mukhang tuwang tuwa silang dalawa sa ginagawa nila. Ano bang ginagawa ko dito? Wala naman siyang sinabing hintayin ko siya. Yung babae na lang na yun yung ihatid niya pauwi tutal mukhang enjoy naman---

"Di ka pa ba uuwi ms. Alcantara?" Napatingin ako kay Coach Leejay at nakita siyang kasama si ms. Juliana na akbay akbay niya.

"Ah, uuwi na din po" Sagot ko at isinukbit ang bag sa balikat ko.

Sinilip niya ang likod ko at nakita doon si Loreinz at yung babae na magkasamang nag te training. 

"Hindi mo hihintayin si Loreinz?" Ngumiti siya saakin ng mapang asar kaya naman napatingin din ako kay Loreinz na tuloy pa din sa pag tuturo sa babae na muka namang marunong, nag papaturo pa.

"Nag te training pa po siya eh" Ngumiti ako at tumawa naman silang dalawa.

"Ganiyan ka din mag selos dati" Pang aasar ni Coach kay miss Juliana na hinampas lang siya sa braso

"Oo alam ko" Sabi niya at muling humawak sa braso ni coach

"Kung ayaw mo kasi na malapit siya sa ibang babae, edi sabihin mo" Ngumiti saakin si miss Juliana at nagtinginan ulit sila ni coach.

"Tama ba ko?" Tanong niya kay coach na tumawa at tumango

"Nako po miss Juliana, nagkakamali po yata kayo--" Pinutol niya ang sasabihin ko atsaka ako tinawanan

"Ang pormal naman nung miss Juliana, ate Juliana na lang" Pag tatama niya.

"Ah sige po ate Juliana. Pero mali po talaga kayo ng iniisip. Hindi ko po boyfriend si Loreinz kaya wala po akong karapatang mag selos" Pagpapaliwanag ko.

"Ganun ba? Sige, kunwari naniniwala ako. Kung wala kang ibang pupuntahan, baka gusto mong sumama samin. Pupunta kami sa Casu" Tinignan ko lang siya ng nagtaka

"Saan po yung kaso? Di po ba sa kriminal yun" Tinignan niya ako saglit ng blanko bago sabay silang tumawa ni coach

"Casu not Kaso, Cafe yun. It's Casu Amans" Nag patuloy sila sa pag tawa hanggang sa pareho silang kumalma

Defying Mr. Player (Acosta-Alcantara Series #1)Where stories live. Discover now