9

81 8 0
                                    

Nang gabi na iyon ay agad din akong na discharge pagkatapos akong resetahan ng gamot. Vitamins. Pero parang ang tanging solusyon lang para hindi na ko muling manghina ay bumalik na sa dati ang buhay ko.

Kinabukasan ay pumasok ako ng school. Walang nakakaalam na tuluyan na kamming ag hiwalay ni Caden maliban saakin, sa kaniya kay Mae at pamilya ko. Let's add Loreinz and his siblings as well. 

Kahit ganon ay  alam ko naman na nahalata na nila. Hindi na kami nag uusap at nagpapansinan pa. Kasa kasama niyalagi si Mae pero kita mo sa muka niya na hindi niya gusto ang ginagawa niya.

Nahihirapan na siya at ganun din ako. Sa tuwing may training kami ay hindi din kami gaanong nag uusap maliban kung talagang kailangan. 

Isa sa pinaka mabigat na naging desisyon ko ay ang umalis sa varsity team namin. Sa tuwing tinatanong nila ako, ang dahilan ko ay nasa huling taon na ako ng high school at mag fo focus muna ko sa pag aaral ko. 

Nalaman na din nila mommy ang nangyari saamin ni Caden. They were so upset and disappointed. My brother even  want to punch Caden. 

1 buwan na lang ang natitira bago magbakasyon. 4 na buwan nang buntis si Mae. Hindi na siya pumapasok sa school at kalat na din ang nangyari sa kanila  ni Caden. 

Hindi ito pinalagpas ng school board at kinausap ang magulang nilang dalawa. Sinama pa ang magulang ko dahil may nagbigay ng video noong araw na nag e eskandalo ako. My mom said that I did nothing wrong. I was the victim. May karapatan akong magalit dahil niloko nila ko but Mae's mother objected. She said that I humiliated her daughter. 

Di ko alam kung maiinis ako o maaawa. Yes! I humiliated her daughter but they did the same to me. They gave me no shame when they decided to cheat on me. 

In the end, the school board's decision was in my favor. 

Tinangal nila sa varsity si Caden for disciplinary action. Madami ang nagalit sa kanila for what they did. I should be happy, but I'm not.

Why?

Because I still love him.  

Caden is still the guy that I love.

Hindi ko matiis na makita siyang ganun. Na makita siyang nanghihina. Na makita siyang walang magawa. Nasasaktan din ako sa tuwinng nasasaktan siya.

"Brianca, tumutugtog ka diba?" Napatingin ako sa kaklase ko ng bigla niya akong kinausap.

"Tugtugan mo nga kami." 

Inabot ko ang gitara na inaabot niya. Nagisip ako saglit ng tutugtugin ko at nang pumasok si Caden sa isip ko ay pumasok din ang kanta na yun sa utak ko.

When I strummed the guitar, I felt all the emotions that I have been keeping flowing out from my system. 

[BENDED KNEES BY BOYZ II MEN]

"Darlin' I  " Unang pagbigkas pa lang ng liriko mula sa labi ko ay sari saring emosyon na ang naramdaman ko. Pumikit ako  para lalo pang madama ang pagtugtog ko.

"I can't explain
Where did we lose our way
Boy it's drivin' me insane
And I know I just need one more chance
To prove my love to you
And if you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go" 

Ang mga kaklase kong nag iingay kanina ay nabaling saakin ang atensyon. Nabaling sa pagtugtog ko na punong puno ng emosyon.

 Hindi mawala sa utak ko ang mga ala ala nating naiwan. Ang mga araw na maayos pa ang lahat. Ang mga panahon na wala tayong ibang iniisip kundi ang pagmamahalan natin.

 I remembered where we started. Those days where we do cat fights. Our little competition is the reason why we ended up together. Those little moments where I stare at you whenever you smile. Those little moments where we kiss each other. Those times where we play together. Those times where you buy me cream puffs and we eat together. Those happy little moments are the reason why I can't let you go. Why it hurts to let you go.

When I opened my eyes, I saw Caden at the door and he was crying. For goodness sake! He was crying!

Hindi ko din napigilan ang luha ko at tuluyan na itong tumulo.

Ipinagpatuloy ko ang pag tugtog habang nakatingin ako sa kaniya. Sa mga mata niya na puno ng luha. Sa kaniya. Kay Caden na mahal ko. 

"Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect love goes wrong?
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee" 

Nakita ko kung paanong ngumiti si Caden saakin bago umalis. Ang sakit, alam niyo kung bakit? Kasi yung ngiti niya na paborito kong makita....

Hindi umabot sa mga mata niya.  

Ang sakit na makita siyang nasasaktan. 

Agad kong binitawan ang gitara na hawak ko at agad siyang sinundan. Habang tumutulo ang luha ko ay hinanap ko siya sa alon ng mga estudyante. 

Caden

Nang makita ko siya ay lalo lang akong nasaktan.

"Caden, wag ka nang umiyak" 

"Paano ko hindi iiyak Mae? Ang sakit sakit! Mahal na mahal ko si Brianca. Pareho kaming nasasaktan ngayon."

Nawasak pa ng lalo ang puso kong wasak na.

"Kalimutan mo na siya! Mag kakaron na tayo ng anak Caden" Sigaw sa kaniya ni Mae.

"Magiging ama lang ako ng anak mo pero hindi ko kakalimutan si Brianca" Sabi niya atsaka tinalikuran si Mae.

Nang humarap siya ay nakita niya ako. Nakita niya kung paano tumulo ang mga luha ko para sa kaniya. Nakita niya kung paanong ang mga kamay ko ay naghihintay na hawakan yung kamay niya.

Ilang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa pero hindi kami magtagpo. Hindi kami gumagalaw sa pwesto.

Mahal namin ang isa't isa pero hindi namin kaya.

Dapat ba akong lumapit sa kaniya? Dapat ko ba siyang yakapin? Dapat ko bang punasan ang mga luha niya.

Tinignan ko ang mga mata niya ngunit lalo lang ako nasaktan nang iniwas niya ang paningin niya.

Caden akala ko ba mahal mo ko?

Tapos naalala ko, ako pala ang nagtulak sa kaniya palayo.

Humakbang ako ng isang beses palapit sa kaniya ngunit nagulat ako nang may kamay na pumigil saakin. Hinila ako palayo doon at nang tuluyan na kaming makaalis ay yinakap ako.

"Pwede ba Brianca! Tama na! Nasasaktan ka na masyado! Isipin mo naman ang sarili mo!"

Ang boses na yun...

Defying Mr. Player (Acosta-Alcantara Series #1)Where stories live. Discover now