12

105 8 2
                                    

"Monica"

A-anong Monica ba ang sinasabi neto?

"Alis diyan, kukunin ko si Monica"

M-monica?

Agad kong tinignan ang sofa sa likod ko at nakita ang isang aso na nakatingin sakin.

"M-monica" Tumahol ito nang banggitin ko ang pangalan niya. Yan si Monica? Akala ko ba girlfriend niya si monica--

Naputol ang pagiisip ko nang kunin niya si Monica at buhatin.

"Baby, did this girl scare you?" Tinignan ako ni Loreinz atsaka bumalik ang tingin sa aso niya

"Baby, let's eat ok?" Hinalikan niya ang aso niya atsaka ako tinignan ulit.

"What are you still doing here lil pup?" Bumalik ako sa katinuan at naalala kung anong ginagawa ko dun.

"Sumunod na kayo dun, kakain na daw" Pinakawalan niya si Monica at hinarap ako

"Sabay na tayo pumunta don, magbibihis lang ako. Tiyaka puwede ba, wag ka ngang mamula diyan na akala mo ngayon ka lang nakakita ng half naked na lalake. " Tinalikuran niya ako at tuluyan nang umakyat sa kuwarto niya.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay bumigay na ang tuhod ko at napaupo na sa sofa.

"Tama nga at hindi yun ang unang beses na makakita ako ng half naked na lalake pero yun ang unang beses na naka face- to - face ko ang katawan niya." Bulong ko sa sarili ko.

Ramdam ko pa din ang init ng pisnge ko kaya naman agad ko itong pinaypayan.

"Tara na" Sabi niya nang makababa na siya.

Naka board shorts siya at isang simpleng T-shirt. Naka tsinelas lang din siya at bitbit niya si Monica.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Gutom na ang baby ko" Sabi niya at nauna nang lumabas

"Tama nga si kuya Renzelle. Muka ngang girlfriend mo si Monica" Inirapan ko siya at sumunod na din sa kaniya.

"Noong nag libot kami sa mall nung isang araw ay pinilit niya ako na bilin sa kaniya si Monica dahil may naalala daw siya kaya ayan. Adik na kay Monica, ni hindi na ako kinakausap sa bahay" Umirap si tita Lian sa anak niya na tumawa lang

"Wag ka na mag selos mommy. Baby ko si Monica pero mommy kita. Mas gusto ko lang kausap si Monica kasi mas may sense siya kausap" Agad siyang binatukan ng mommy niya kaya naman natawa kami pare pareho.

"Eh ikaw naman Rain? Sino naman tong kasama mo? Mukhang boyfriend mo ah" Nagulat kaming lahat nang tumawa silang dalawa nang napakalakas.

"Hindi po posible yan" Sagot ni Clyde sa paratang ni tita Lian.

"Bakit naman?" Tanong ni kuya na mukhang naging interisado sa topic bigla.

"Ikaw kasi yung type ko" Sagot ni Clyde

Natahimik kami saglit bago bumunghalit ng tawa

"Clyde, masyado mo namang inagahan ang pag amin mo" Sita sa kaniya ni Rain na hindi pa din mapigilan ang tawa.

Kaya pala hindi pwede kasi hindi talo, parehas kasing lalake ang gusto!

"Akala ko talaga ay boyfriend mo na si Clyde, eh ikaw ba Mark? Kelan mo balak magpakilala ng nobya saamin" Napatigil sa pag tawa si kuya dahil sa naging tanong sa kaniya ni tita Lian.

"Ako po? Sa tingin ko po--" Naputol ang sasabihin niya dahil sa pagsingit ni kuya Renzelle

"Si Clyde na lang po" Sabi niya kaya naman tumawa ulit kami. Nako tita, kung alam mo lang kung sino ba ang type ni kuya.

"Biro lang yung kanina, may boyfriend po ako kaya hindi na kami pwede ni kuya Mark. Pero guwapo siya" Sabi ni Clyde. Tiyaka ko lang naalala na kaedad ko nga lang pala sila.

Nang matapos ang hapunan ay nag ayaan sila na sumayaw pero sabi ni kuya ay may gig daw siya kaya naman napagdesisyunan namin na sumama na lang sa kaniya sa gig niya.

"Tawag na ko ng mga kabanda ko don. Mamaya na lang"

Nginitian namin si kuya na tuluyan nang umakyat sa stage para tumugtog.

"This song is for someone who is truly special. I think everyone who are in love with someone who can't see their true value can relate"

Nagtilian ang mga babae sa audience nang ngumiti si kuya at nagsimulang tumugtog.

[Crush -David Archuleta]

"Oohh ohhh yeahhh"

Simula pa lang ang sobra na ang hiyawan ng mga tao, sa tingin ko nga ay concert to at hindi gig.

"I hung up the phone tonight
Something happened for the first time deep inside
It was a rush, what a rush" Ngumiting muli si kuya at iginala ang mata sa crowd. Nang dumako ang paningin niya sa banda namin ay humito ito sa isang partikular na tao na hindi naman siya pinapanood.

" 'Cause the possibility
That you would ever feel the same way about me
It's just too much, just too much" Tinignan kong muli si Rain na nakayuko lang sa pagkain niya at walang kaide ideya na nilulusaw na siya ng tingin ng kuya ko.

Tinignan ko pa siya ng ilang segundo hanggang sa magtaas siya ng tingin at nakitang nakatitig sa kaniya si kuya.

"Why do I keep running from the truth?
All I ever think about is you
You got me hypnotized, so mesmerized
And I've just got to know"

Hindi magkanda maliw ang mga nanonood dahil sa biglaang pag kindat ni kuya. Sa tingin ko din ay naubusan na nang hininga si Rain dahil sa kindat na nakadirekta sa kaniya.

Nag bawi nang tingin si kuya at nagtatalon sa stage habang kumakanta.

"Do you ever think when you're all alone
All that we can be, where this thing can go?
Am I crazy or falling in love?
Is it real or just another crush?"

"Do you catch a breath when I look at you?
Are you holding back like the way you do?
'Cause I'm trying and trying to walk away
But I know this crush ain't goin' away-ay-ay-ay-ayy
Goin' away-ay-ay-ay-ayy" Napangiti din ako dahil pakiramdam ko ay nakita na ni kuya ang katapat niya.

"He's so obvious" Nagulat ako nang magsalita sa tabi ko si Loreinz na hawak hawak pa din si Monica na kanina niya pa kalambingan.

"What are you saying?" Tanong ko sa kaniya

"Sabi ko, sobrang obvious naman na may gusto si kuya Mark kay Rain. Bakit hindi pa mahalata ng iba?" Natawa ako dahil kita ko talaga ang frustration sa muka niya.

"Kelan mo nalaman?" Tanong ko

"Sa tingin ko matagal na siyang may gusto kaso in denial lang siya. Neto niya na lang tinanggap sa sarili niya na may gusto siya sa mas bata sa kaniya. I think my tween sister is still oblivious about your brother's feelings about her. She's so naive sometimes"

Tumango ako at nagpatuloy sa panonood.

"Alam mo ba kung bakit ko binili si Monica?" Tanong niya sakin

"How would I know" Pambabara ko sa kaniya. Inirapan niya ako tsaka tumawa

"It's because she reminds me of someone."

"Ah, alam ko na! Kaya mo binili si Monica kasi hindi mo pwede maging girlfriend yung ni re resemble ni Monica kaya si Monica na lang nilalandi mo" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Grabe yung mga ginamit mo na salita. Medyo nakakasakit. Hindi naman sa imposible, it's just that I am still waiting for her to move forward and be on the same page as me." Ngumiti siya pinagpatuloy ang pag lambing kay Monica.

Who's that special someone who attracted this moreno type of playboy?

Defying Mr. Player (Acosta-Alcantara Series #1)Where stories live. Discover now