11

67 7 0
                                    


"Kuya!"

Agad niyang binitawan ang bolang hawak niya at nilapitan ako.

"Tapos ng ba training niyo?" Tumingin ako sa paligid at onting varsity na lang ang natitira doon.

"Oo, katagal mo eh. Umuwi na nga si Loreinz kasi antagal mo daw." 

Nang banggitin niya ang pangalan ni Loreinz ay naalala ko agad yung mga binigay niya kanina.

"Si Renzelle, nasa labas na. Ikaw na lang hinihintay namin" Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad palabas ng school.

"Kasama natin si kuya Renzelle kumain ng ice cream?" Napahinto  siya sa paglalakad at pumuwesto sa harap ko.

"Nakalimutan kong sabihin na hindi na tayo sa labas kakain. Sabi ni mommy iuwi daw kita sa bahay dahil nag luto siya ngayon. Inimbitaha niya sila Renzelle na kumain din don" Tumango ako sa kaniya.

Muli niyang inilagay ang kamay niya sa balikat ko at sabay kaming nag lakad.

"Anong plano mo sa bakasyon?" Tanong niya sakin

Tinignan ko siya at nagkibit balikat.

"I'll probably stay at home the whole summer, unless we are going on a vacation trip" Sagot ko

"I heard there will be a sports clinic. Why don't the two of us join?" Tumingin ulit ako sa kaniya.

Si kuya, madaming nahuhumaling na babae sa kaniya at gustong gusto niya yun. He doesn't dance well. Sa totoo lang ay daig niya pa ang pat pat sa sobrang tigas ng katawan niya pero bawi naman sa boses. Nasa banda siya at gitara ang hawak. Siya din ang vocalist nila. Matalino din siya at lahat ng characteristics niya ay ginagamit niya sa pambababae. 

Babaero si kuya pero ayaw na ayaw niyang nasasaktan kami ni mommy. He will raise hell if that happens. Minsan nga oa na. But I love my brother and someday I want to see him so smitten with a girl. Yung tipong di na siya makakaahon sa sobrang pagkalubog niya. Yung pakiramdam na sobrang inlove siya dun sa babae tapos gusto niya na lang mag settle with that girl. I can't wait for that to happen.

Habang iniisip ang mga bagay na to ay naalala ko si Rain. Si Rain na kaedad ko lang. Si Rain na pakiramdam ko ay magpapatino sa kuya ko na mas matanda saamin ng 3 taon. I know they will have their own story someday. I can feel it.

"Ang lalim naman ng iniisip mo" Sabi niya bago ako pag buksan ng pinto ng kotse niya

"Just wondering when will you be serious when it comes to relationship" Ginulo niya ang buhok ko at tinulak na ako papasok. Nakita ko sa front seat si kuya Renzelle kaya naman binati ko siya at nginitian.

"Stop talking non sense sis. That's not gonna happen." Tinawanan niya ako at nag simula nang mag drive papunta sa bahay.

"Let's dance later" Aya ni kuya Renzelle sa kaniya

"Are you kidding me? Sa tuwing inaaya mo kong sumayaw gusto kitang batukan seryoso! Para namang di mo alam na hindi ako sumasayaw"  Tumawa ang dalawa at natawa na din ako.

"Inaaya lang kita kasi baka gusto mo. Anyway, may isasama daw na kaibigan si Rain if that's ok with you?" Tinignan ko si kuya at bahagiyang kumunot ang mga noo niya.

"Sure, whatever. It's not like I'm the one who invited your family over" He said without glancing at kuya Renzelle

"Brianca, dance with us later" Tumango ako sa aya ni kuya Renzelle na nginitian ako pagkatapos

"Loreinz will bring Monica with him" napatingin ako kay kuya Renzelle nang banggitin niya ang pangalan ni Loreinz. 

"Monica? Sure! Is that her girlfriend or something?" Monica, who?

"Yeah, parang girlfriend niya nga si Monica--" Naputol ang sasabihin ni kuya Renzelle nang may tumawag sa kaniya.

"We're already near mom, yes, bye" Nang ibaba niya ang tawag ay hinintay kong ituloy niya ang sasabihin niya ngunit nanatili silang tahimik ni kuya kaya nanahimik na lang din ako.

Nang makarating kami sa bahay ay agad kong binati si mommy at ganun na din ang mommy nila kuya Renzelle.

"Pasok na kayo, nakahain na sa loob." 

Nang makapasok kami ay sumalubong saamin ang isang lalake. Matangkad siya kumapara kay kuya at guwapo din ito. Moreno at patusok ang hugis ng mga mata. Ang ganda din ng kilay niya at ang amo niya tignan.

"Clyde!" Napatingin kami kay Rain na bagong labas mula sa kusina at nakangiting tinawag ang lalake sa harap namin.

She looks cute when she smile.

"Rain, lalabas sana ko saglit" Ngumiti sa kaniya si Rain atsaka sumama sakaniya palabas.

"I heard kasamahan niya sa dance troupe yun" Narinig kong bulong ni kuya Renzelle kay kuya Mark na nagkibit balikat lang.

"Anak paki tawag na nga sila Rain sa labas, kakain na. Pati si Loreinz, nasa kabilang bahay pa. Busy kay Monica" Monica again, sino ba kasi yun?

Agad akong tumayo at sinunod ang inuutos ng nanay ko.

"Rain, pasok na kayo. Kakain na daw" Tumango siya saakin atsaka inaya papasok yung kasama niya. 

Is that her boyfriend? But something is off about that guy.

"Loreinz! Loreinz!" Pang ilang tawag ko na pero wala pa ding lumalabas kaya naman ako na mismo ang nag bukas ng pinto tutal ay nakabukas naman ito.

"Loreinz! Kakain na daw---" Naputol ang sasabihin ko nang makita ko siya na naka towel lang.

"A-anong ginagawa mo--" Tinakpan ko ang mata ko dahil sa kahihiyan. 

Ano bang ginagawa ko dito ulit? Bakit ang ganda ng built ng katawan niya? Bakit nakatuwalya lang siyang naglalakad sa loob ng bahay nila!

"K-kanina pa ako tumatawag, walang sumasagot kaya pumasok na ko." Sabi ko habang hindi pa din inaalis ang kamay ko sa mata ko.

Naramdaman kong ang dahan dahan niyang paghakbang palapit saakin.

"A-anong ginagawa mo?" Tinangal ko ang kamay ko sa mata ko at agad na nagsisi

Nakita ko kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Naramdaman ko na din ang sofa sa likod ko. 

"Monica" 

Ano? Monica nanaman?

Defying Mr. Player (Acosta-Alcantara Series #1)Where stories live. Discover now