Focused 4

99 0 0
                                    

Naghuhurumintado ang puso ko habang unti unti kong binubuklat ang sulat na aking nakita sa lapag ng mesa....

Sulat? Bakit mayroong sulat rito?

Ma's lalo pang nadagdagan ang paghuhurumintado ng aking puso ng makita ko ang mismong sulat kamay ng aking madrasta.
Dahan dahan ko itong binuklat at ganon na lang ang tindi ng kabog ng puso ko ng unang mabasa ang salitang "umalis"......

Bakit? Nakatulalang tanong ko sa hangin? Bakit ganon na lang kadali para sa kanya ang umalis ng walang paalam.

Naiinis ako sa totoo lang pero wala akong magawa... Wala akong magawang paraan para pigilan sya.... Sa hindi ko maintindihan na pakiramdam nalungkot, nainis, natuwa nagkanda halo halo ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

Bigla na lang akong namanhid at natutop sa kinatatayuan ko dahan dahang napaluhod na animoy parang isang hinang hina na tupa...

Nadatnan ako sa ganoong posisyon nang akong ama. Tila sa nakikita kong ekspresyon sa kanyang mukha masasabi kong nagtataka sya kung bakit ako nakatulala at nakaluhod sa maduming sahig na kinaroroonan ko.

Hindi ko kayang magsalita, hindi ko kayang sabihin kay papa ang nangyari.... Naaawa ako sa kalagayan ni papa na tipong ayaw kong ipaalam sa kanya ang tungkol sa sulat ngunit may isang maliit na tinig na nagsasabing kailangan ko itong sabihin kay papa. Na kailangan nyang malaman ang totoo.

"Pa, may sulat si mama" marahan kong sabi.

"Huh? Para sa---an?" batid ko ang lubusan syang nagtataka sa reaksyon ko.

Nanatili akong tahimik na nakaluhod sa sahig at tipong nakatulala sa hanging sa mga oras na iyon habang si papa ay unti unting binubuklat at binabasa ang sulat . Batid kong kakaiba ang naging reaksyon ng katawan ko pero di maalis sa pakiramdam ko ang matinding lungkot sa kaloob looban ko.

Naghahalo halo ang mga iniisip ko at unti unting umuusbong ang matinding galit sa kaloob looban ng bahagya kong nakita ang kalungkutan at bahagyang pagpatak ng luha ng aking ama matapos nyang mabasa ang sulat.... na katulad koy ganong ganon rin ang unang naging ekspresyon....

Naiinis ako sa kanya dahil hinahayaan nya pa rin ang aking madrasta na masunod sa lahat kanyang gusto, at naiinis akong isipin na mas minahal nya ang akong madrasta kumpara sa yumao kong ina.... Alam kong masyadong makasarili ang aking iniisip pero di ko magawang lubusang magalit sa kanila at manisi sa kung sinong may mali. Dahil mismong ako ay biktima rin ng mga kamalian na nagagawa ko sa mundong ito.
Nananaaig sa aking pagkatao ang mga alala naming tatlo noong masaya pa kami na animoy isang tunay na masayang pamilya.

Pero lahat ng iyon ay biglang lumaho at nawala.

Sa isang iglap ganon na lang kadali para  sa kanya na iwan kami..... Nasasaktan ako pero dahil sa paulit ulit na lang na nangyayari ang ganitong sisitema na sa mahigit na sampong taon simula nung mawala si mama at muli syang nag-asawa ng iba tuluyan ng nagiging manhid at bato ang puso ko.

Pero wala akong magawa sa ngayon ang kundi umalis sa kinauupuan ko at pumunta sa silid.

Dahan dahan akong pumunta sa kwarto at bigla na lamang nakaramdam ng matinding antok di ko na namalayan kong anong oras na iyon, kung anong huli kong ginawa basta sa nga oras na iyon di na kinakaya ng katawan ko ang magising na tanging gusto ko munang magpahinga kahit pansamantala lang.

" Focused "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon