"Halaaaaa malalate na ako!"
Masyado yata akong nawili sa kakakwento Kay Abby at di ko na namalayan ang oras! May trabaho pa pala ako Shit!
Dali dali akong lumabas ng gate, lakad takbo na ang ginawa ko para mas mabilis na makahanap agad ng masasakyan. Bahagya pang kumunot ang noo ko ng makakita ako ng pamilyar na mukha sa tapat ng gate na pawang nagaantay habang nakahilig sa mukhang mamahaling motor nito.
Sino naman kaya iyon? Siguro ang swerte naman ng girlfriend nito.
Pero parang si------hindi naman siguro.
Baka namalikmata lang ako?
"Elyssa!" lumingon ulit ako sa pamilyar na mukha na iyon?
Pakiramdam ko tinawag nya ako.
Patuloy pa rin akong naglakad at di na lang pinansin kung sino ang tumawag.
"Elyssssssssssa!" malakas na sigaw nyang muli sa pangalan ko.
Pamilyar talaga ang boses na iyon sa akin.
Teka tinatawag ba nya ako? Kilala ko ba ito?
Tinitigan kong mabuti ang mukha ng lalakeng iyon. Ngunit sa sobrang layo ng gate at kinaroroonan nya di ko pa rin mamukhaan ito.
"Elysssssssa" sigaw nya ulit sa pangalan ko at bahagyang kumaway pa sa direksyon ko.
Pinagtitinginan na kami dito sa labas ng gate dahil sa lakas ng sigaw nya sa akin.
Unti unti akong lumapit sa kanya sa kahihiyan.Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng natanto kung sino iyon.
Si Nikko!
Bakit sya nandito? Ano bang ginagawa nya!
"Anong ginagawa mo rito?" mapait kong tanong sa kanya bahagya pangnakakunot ang noo ko.
Kumunot ang noo nya at ilang beses din syang lumunok
"Tinawagan kasi ako ni Ma'am at pinapasabing nya na bilisan mo raw then nagoffer ako na----." marahan nyang sabi.
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
"I mean kasi may mga bisita sila Ma'am". Dagdag nya pa ulit.
"Tapos?" nakakunot ko pang tanong.
"Ahm... Kailangan ka kasi doon since ikaw ang mag---" bahagya pa syang lumingon sa likuran ko kayat napabaling ako doon.
Nakita ko roon si Abby na bahagyang nakakunot ang noo sa akin ngayon, palabas din ng gate tulad ko. Kasunod nya ang grupo ng mga kalalakihan kasama na si Kuya kanina!
Shit! Baka makita nya ako? Anong gagawin ko?
Feeling masyado Elyssa? Ano rin kung makita ka nya? Sabi naman nya di ba your just some random girls out there!? So ano ngayon!
"nagvolunteer akong sunduin ka para mas mabilis since lunch break naman sa office. Sana ayos lang sayo." dagdag nya pa.
Hindi ko narinig ang mga sinasabi ni Nikko. Nakafocus ang utak ko kung paano ako makapagtatago Kay Kuya! Ano na Elyssa!
Sa sobrang pagmamadali ko umangkas na agad ako sa motor nya at nanlaki naman ang mga mata nya.
"Bilis ! Tara na malalate na tayo!" pagmamadali ko pang saad.
Bahagya pa syang nagulat sa sinabi ko at pakiramdam ko nagtataka sya kung bakit sumakay agad ako, pero agad din nyang pinaandar ang motor.
"Kumapit ka sa bewang ko" saad nya pa. Nakita ko ang pagsupil ng ngiti nya.
BINABASA MO ANG
" Focused "
Teen FictionShe's the girl who makes you laugh hard. She's the girl who has many talent. She's the girl who can attain high grades. She's the girl who have good attitude. The girl that is generous, kind, humble. " Oh the girl must have been a lot of description...