Nagpatuloy ang mga araw ko kasabay noon ang pagpapatuloy ko sa pagaaral. Mahirap sa totoo lang, mahirap pagsabayin ang pagaaral, pagtatrabaho, at pamumuhay ng wala si mama...
Mama?
Iyon na ang naging tawag ko sa kanya simula ng maging sila ni papa noong siyam na taong pa lang ako." saad ko.Nagpatuloy ang pagtatrabaho ko sa MV Samiera Enterprises bilang tiga gawa ng schedule ng mga trabahante under ako sa Technical Faculty. Working student ako sa nasabing kompanya, ito ay dahil sa nakitaan ako ng boss ko ng dedication sa part time job ko noong summer kaya tuluyan nya na akong kinuha bilang regular employee sa kompanya at dahil doon natutustusan ko ang ilang mga pangangailangan ko sa eskwelahan.
Ngunit kasabay ng pagtatrabaho ko ang pagkaramdam ng pagkailang sa mga trabahante lalong lalo na sa mga coworkers ko dahil alam nila na nililigawan ako ng kasamahan nila.
Si Nikko.
Summer pa sya simula noong manligaw sa akin ngunit wala pa ng isang buwan ng panliligaw nya pinatigil ko na sya. Naalala ko pa noon ang ilan sa mga naging paguusap namin sa National Book Store dahil niyaya nya akong lumabas after nyang sumuweldo.
Habang naglalakad kami sa mall, di ko mapigilang makaramdam ng pagkailang sa mga oras na iyon, sya yung tipong "touchy" ika nga nila at hindi ako kumportable sa ganon. Nahihiya naman akong sabihin sa kanya baka kung ano pang masabi nya sa akin kayat hinayaan ko na lamang sya.
"Tara, kain muna tayo" yaya nya pa sabay akbay.
"Uhm Sige." pagsangayon ko.
Bago sa akin ang ganitong pakiramdam, naiilang ako at hindi ako komportable pakiwari ko napakatensyunado ng postura ko dahil ito ang unang pagkakataon na mayroong nanligaw sa akin .......inaamin ko naman na di ako kagandahan, kaya ngat nakapagtataka kung bakit nya ako niligawan.
Niyaya ko muna syang mag national bookstore dahil matagal ko nang balak sabihin sa kanya ang naging desisyon ko.
Habang nasa loob ng NBS sa may library sector kumuha ako ng ilan sa mga aklat na balak kong bilhin para sa paghahanda ko sa kukunin kong kurso.
Habang nagbabasa ng aklat na may kinalaman sa engineering, naramdaman ko sya sa likod ko. Tahimik sya at walang imik, pinapakiramdam ang bawat kilos at galaw ko. Ilang minuto rin kaming ganoon ang posisyon nang bigla syang magsalita.
BINABASA MO ANG
" Focused "
Teen FictionShe's the girl who makes you laugh hard. She's the girl who has many talent. She's the girl who can attain high grades. She's the girl who have good attitude. The girl that is generous, kind, humble. " Oh the girl must have been a lot of description...