Focused 6

67 0 0
                                    

Hingal na hingal ako pagpasok ng gate kaya't agaran akong naupo sa isa sa mga upuan sa bench na nakita ko. Bahagya pang kumunot ang noo ko ng makita ang kaibigan kong si Abby na hingal na hingal rin tulad ko.

Agad syang lumapit sa akin bahagyang hinihingal pa.

"Ely----ssa hu..hu..hu.. Ely--ssa ! Grabe ka!" Hinihigal nya pang sabi.

"Bak---it? Anon---g gina--hu... hu...---wa ko?" hinihigal ko ring tanong.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo! Ba't ka ba kasi tumatakbo!" Sigaw nya sa akin bahagya pa ring hinihigal.

" eh ikaw ba naman kasi habulin! Ang creepy mo kaya! Dapat tinawag mo ako!" giit ko.

"Eh kanina pa ako tawag ng tawag sayo! Naputol na litid ko kakasigaw sa pangaln mo! ang lalim ata ng iniisip mo kanina kaya di mo ako mapansin! eh ...... Kaya ayon gugulatin sana kita kaso tumakbo ka!" Sabi nya pa

"Hahahahahahha" natawa ako sa sinabi nya.

Tumabi sya sa akin sa upuan at bahagyang nanahimik.

Kasalukuyan kaming tahimik ng bigla kong makita si Kuya na nahawakan ko ng ANO NYA! My ghad!? Papalapit ata sya dito? Bakas pa sa itsura nya ang pagkainis at parang manununtok sya ! Anong gagawin ko baka suntukin nya ako sa inis nya sa akin? Shit! Elyssa ! Gumawa ka ng paraan!

Yumuko ako at bahagyang nagtago sa likod ni Abby. Naguguluhan ang aking kaibigan sa inaakto ko at bakas sa mukha nya na nagsasabing nababaliw na naman ang kaibigan ko... hahaha natawa ako dun

Nang nakalapit si Kuya umupo sya sa katabi naming upuan sa may bench dahil dito rin pala nakaupo ang mga kaibigan nya.

Nang makalampas sa upuan namin at makaupo sya sa katabing upuan namin ni Abby. Mas lalo akong yumuko.

Tinanaw ko sila at kitang kita ko ang pagkakabusangot nya bakas pa rin sa itsura nya ang pagkabadtrip habang inaasar sya ng mga kaibigan nya, dahil nakita yata ng isa nyang kaibigan nakasunuran nya rin lang sa pagpasok kanina ang nangyari.

"Elyssa ano bang ginagawa mo riyan?" bulong na tanong ni Abby.

"Shhh Wag ka munang gumalaw pleaseee." bulong kong tugon

"nababaliw ka nanaman ba?" tanong nya ulit.

"Shhh basta wag kang maingay". Sagot ko.

" ano ba kasi yun? May tinataguan ka ba?" pangungulit nya pa.

"Basta! please mamaya ikukuwento ko sayo promise" sagot ko para tuluyan na syang manahimik.

"Sige! Basta siguraduhin mo lang" saad nya.

"Salamat." tugon ko.

Mula sa kabilang upuan dinig na dinig ko ang tawanan nila ng kanyang mga kaibigan. Isasawalang bahala ko na sana iyon at tuluyan na sana akong aalis ng marinig ko ang pagkakabanggit nya sa nangyaring kaganapan sa amin kanina sa daan.

Napabuntong hininga ako at kinabahan ng sobra sobra. Nang nilingon ko ulit ang banda nila nagtama ang mata namin kayat biglang nanlaki ang mga mata ko, samantalang nanlisik naman ang mga mata nya.

Napatayo ako ng wala sa oras at patakbong dumaan sa may harapan nila upang makatakas sa initriga pero di nakalampas sa akin ang naging paguusap molang mga magkakaibigan lalong lalo na ang boses nya....

"Sya yun!" Sabi nya sa kanyang mga kaibigan.

"Sino pare?" Sabi ng isa nyang kaibigan na medyo chinito.

"Pakilala mo naman kami hahahah"sabi pa ng medyo morenong lalake.

" Elyssa ! " sigaw ni abby. Napapikit ako sa lakas ng sigaw nya at malakas ang hula ko na narinig nila ang pangalan ko.

" Focused "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon