Chapter 2

688 19 0
                                    

Loraine's POV

Nung magising ako ay nasa hospital na ako,hindi na gaanong kumimirot ang likod ko,Walang nagbabantay sa akin,Pinilit kong umupo ngunit hindi ko kaya

Narinig ko ang pagbukas ng pinto,Tumingin naman ako don,Si mommy...Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya

"Momm-"

Mabilis niya akong sinampal...Naestatwa ako sa pagsampal sa akin ni mommy...hindi ito ang unang pagsampal niya sa akin pero sa tingin ko ito yung tatatak na sampal niya sa akin

Nanubig ang mata ko,No....not again ayoko ng umiyak,nakakapagod na..

"Ano nanaman ito Loraine?!"

Hindi ko magawang titigan si mommy..

"Problema nanaman!...Bakit hindi mo gayahin si lexy!,hindi siya nasasangkot sa anumang gulo!"

Yan..Kinukumpara niya nanaman ako sa kakambal ko..Masyado niyang pinagmamalaki si Lexy..perfect kase yun...Ako hindi

"Hindi porket mayaman tayo ay lulustayin mo nalang ang pera ,para pampagamot mo!"

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.Kailan pa ako naglustay ng pera?,Minsan nga lang ako humiling sa kanila kadalasan yung hinihiling ko di pa nila binibigay...Pagkatapos kapag si Lexy ok lang...

"Pumunta ako dito para sabihing hindi ko babayaran ang hospital bill mo!..Yan ang napapala ng basagulerang anak"

Parang sinasak sak ako ng ilang beses sa.sinabi ni mommy..B-basagulera?..Hindi ako basagulera...

Aalis na sana si mommy ng makaipon ako ng lakas na loob na magsalita...

"M-Mommy hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit may sak-sak ako"

"Hindi na..baka gawa-gawa mo lang yan nagpapa-awa kananaman...."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay..Tumalikod na siya at mabilis na lumisan sa silid na kinalalagyan ko..

"Mommy...Muntik na akong ma-rape"pabulong kong sabi

Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko..,Dapat sanay na ako kay mommy..Buong buhay ko ganito na siya sa akin..Dapat hindi na ako nasasaktan..

Wala na akong ibang malalapitan si Emma lang ang nagiisang taong nandyan para sa akin..Hindi ako makatayo..Hindi ko maabot ang bag ko na nasa gilid ng kama

Nang biglang bumukas ang pinto,Akala ko nurse iyon laking gulat ko nung si Marcus ang pumasok

Mabilis kong pinunasan ang luha ko,tsaka ko binaling ang tingin ko sa kanya

"Are you crying?"tanong niya

"H-hindi"sabi ko sa kanya sabay ngiti

"Pumunta na ba dito si tita?"tanong niya

Tumango nalang ako sa kanya

"Anong sabi?"

"Uhmm Babalik daw siya dito bukas iuuwi niya na daw ako"sabi ko sa kanya

Sinungaling!..Sinungaling ka loraine sigaw ng isip ko

"Ganon ba?..Iiwan na kita"sabi niya

Natigilan naman ako sa huling salitang sinabi niya..Iiwan?...Iniwan mo na nga ako dati pa..

Tatalikod na sana siya pero na alala ko yung bag na di ko maabot

"Marcus"tawag ko sa kanya

Lumingon naman siya.

"Pwedeng pakiabot yung bag.."sabi ko sa kanya

Naglakad naman siya patungon sa kinalalagyan ng bag tapos inabot niya ito sa akin...

The Second Choice✔ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon