Loraine's POV
Lumabas ako ng cr na tuliro..Magiging nanay na ako..Makakaya ko ba?.
"Lara?..Anong resulta"tanong ni nanay letty
"P-positive po"sabi ko
Bakas naman sa mukha ni nanay letty ang pagkagulat niya sa sinabi ko
"Mayron kabang nobyo iha?"tanong niya
Tumango naman ako..
"Hindi lang po basta nobyo..Nanay Letty may asawa na po ako"
Napatakip naman ng bibug si nanay..sa nalaman niya
"Naku naman bata ka..May asawa ka na pala..Asan ang asawa mo..Mabuti na ipaalam mo sa kanya na nagdadalang tao ka"sabi ni nanay letty
"Hindi po pwede"sabi ko
"Aba bakit naman?.."tanong niya
"Sa bahay ko nalang po ikwekwento sabi ko"
Hindi na muling nagatanong si Nanay Letty,ng makasakay kami ng tricycle ay nanatili parin kaming tahimik
Ng makarating kami sa bahay ay pinapasok ko si nanay nang makaupo kami sa sala ay inumpisahan ko ng magkwento sa kanya
"Nay umalis po ako ng maynila dahil hindi ko na kayang pakisamahan ang asawa ko..Natatakot po ako sa kanya..Kaya pinili kong lumayo sa kanya,Sa katunayan po ay bagong kasal lang po kame.."
"Bagong kasal?..Aba ang bilis namang naglaho ng pagiibigan ninyo"sabi ni nanay letty
"Hindi po kami nagpakasal dahil sa mahal namin ang isat-isa..Arranged Marriage po kami"
"Arrange?..Pinagkasundo pero talagang di niyo mahal ang isat-isa"sabi niya
"Opo"tugon ko
"Paano na ang anak mo?"tanong ni nanay letty
"Kaya ko pong magisa..ayaw kong lumaki siya sa tatay niyang walang puso..Ayaw kong matulad siya sa akin"sabay hawak ko sa tiyan ko
"Wag kang mag alala Lara nandito lang kami ni Erick..Magsabi ka lang sa amin..Handa kami na tulungan ka"
Masaya ako sa narinig ko..
"Ngayon lang po ako ulit nakaramdam ng saya..maswerte po ako dahil nakilala ko kayo..maraming salamat po"sabi ko
"Naku naman ganito naman dapat diba..Dapat palaging nagtutulungan"
Napatango nalang ako..Ilang minuto ang lumipas ay umalis na si nanay letty,Hindi parin ako makapaniwala..Buntis ako..Magiging nanay na ako....
After 3 Months
Nandito ako ngayon sa kwarto,kausap ko si Emma..Naikwento ko na sakanya na buntis ako,nung malaman niya ay tili siya ng tili..at ngayong kausap ko siya sobrang daldal nanaman niya
Ng biglang nalungkot ang boses niya
"Ahmm Oo nga pala Loraine..Si marcus,Kinukulit niya ako palagi..Nabalitaan ko na palagi siyang naglalasing.."
"Sa tingin mo Emma may pakielam ako sa kaniya?..Kahit maglasing siya ng maglasing wala akong pakielam sa kanya"
"Oh easy lang buntis ka..Isipin mo si baby"
Pilit kong kinalma ang sarili ko...
"Oh sige na tatawagan nalang ulit kita..Babye"sabi niya

BINABASA MO ANG
The Second Choice✔ [COMPLETED]
Non-FictionBe miserable. Or motivate yourself. Whatever has to be done, it's always your choice