Loraine's POV
Naabutan ko si Marcus na nakahiga na sa kama,Pumasok ako ng banyo para magpalit..
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakaupo na
"L-loraine"
Ngumiti ako sa kanya,nagulat siguro siya kase ilang gabi na akong natutulog sa guestroom
Tumabi ako sa kanya saka ko siya niyakap ng mahigpit.Tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha ko
"M-mahal"sabi ko sa kanya
Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit,Mas lalo ko siyang niyakap,Namiss ko yung ganito...
"M-mahal,Sorry patawarin mo na ako"sabi niya habang umiiyak
Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya,Ngumiti ako sa kanya,Pinunasan ko ang luha na pumapatak sa piangi niya
"Shhhhh,pinapatawad na kita mahal ko,Matitiis ba kita?"sabi ko sa kanya
Nakita koang saya sa mga mata niya,Niyakap niya ulit ako ng mahigpit
"I love you Loraine,H-hindi na to mauulit pa,H-hindi kana masasaktan pa,pangako"sabi niya
Ngumiti naman ako sa sinabi niya
"Naniniwala ako sayo mahal,I love you too"sabi ko sa kanya
Hinalikan niya ang labi ko,Tsaka niya ako nginitian..
Nagapapasalamat ako sa Diyos dahil naayos na namin ang problema namin ni marcus,Im very happy
Nabawasan ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko
........
Nang magising ako ay bumungad sa akin si Marcus,Nagulat ako dahil tinititigan niya ako,
Ngumiti naman siya sa akin tsaka niya hinaplos ang pisngi ko
"Good morning mahal ko"sabi niya
"Good morning din mahal"sabi ko sa kanya
Bigla niya akong hinalikan sa labi,Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko dahil sa ginawa niya
"Can I hug you?,Namiss kase kita sobra"sabi niya sa akin
Tumango naman ako,lumapit siya sa akin tsaka niya ako niyakap bg mahigpit
Yinakap ko naman siya pabalik,Dinama ko ang init ng yakap niya,ramdam ko ang tibok ng puso niya,sobrang bilis..
Ramdam ko ang haplos niya sa buhok ko,Paminsan minsan ay hinahalikan niya ang noo ko.
Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na nangyayari sa akin tuwing umaga,Mabilis kong tinungo ang banyo para magsuka
Naramdaman ko naman ang paghagod ng kamay ni Marcus sa likod ko
"Mahal ok ka lang?"tanong niya
Tumango nalang ako,inabutan niya naman ako ng tubig,Ininom ko naman agad,Inalalayan niya ako pabalik sa kama.
"We need to see a doctor"
"Hindi na kailangan mahal,ok lang talaga ako"
"Loraine wag matigas ang ulo"
Napanguso naman ako sa sinabi niya
"Wag kang magpacute diyan"
"Marcus naman eh"
BINABASA MO ANG
The Second Choice✔ [COMPLETED]
Literatura FaktuBe miserable. Or motivate yourself. Whatever has to be done, it's always your choice