Loraine's POv
Tuloy-tuloy na umaagos ang luha ko,bakit?..Hindi ko maintindihan..Bakit kailang hindi matuloy?..Bakit kung kailan masaya ako saka nangyayari ang mga ito?
Ang dami kong tanong..Gusto kong magtanong kay Mommy,o kay Peter..may nagawa ba akong mali?Nagkulang ba ako?...Minahal ko naman si Peter.
Gusto kong tawagan si peter pero parang hindi kaya ng mga kamay ko na gumalaw.Natatakot ako,Natatakot ako na baka mangyari ulit yung dati..Ayoko ng ganito..sobrang hirap ang bigat-bigat sa pakiramdam.
May lumapit sa aking staff ng venue,Tinulungan niya akong makatayo..Ng makatayo ako ay napagdesisyunan kong umuwi nalang
Habang naglalakad ako ay nanlalabo ang mga mata ko sa kakaiyak..Hanggang sa makarating ako sa parking lot.. Buti nalang at meron si Mang Berting..Kaya nagpahatid na ako sa mansion.
Pilit kong isinisiksik sa utak ko na hindi papayag si Peter na hindi maikasal sa akin kase sabi niya Mahal niya ako..Tama..Hindi siya papayag.Ipaglalaban niya ako,Bakit ba ako umiiyak hindi naman si Peter ang nakausap ko kanina,si Mommy naman iyon...
At sa pagkakataong ito..Malaman ko lang na ipaglalaban ako ni Peter..Handa akong talikuran ang pamilya namin..Handa akong makasama siya kapalit ng pagtalikod sa pamilya ko handa kong gawin iyon para kay peter
Nagdiretso ako sa kwarto ko ng marating namin ang mansiyon...,Nawalan ako ng gana kumain kaya itinulog ko nalang
.....
Ito na ang araw na darating sila mommy kasama si Peter,Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya..Alam ko namang busy iyon na tao..,Gusto ko siyang mahagkan..Sobrang miss ko na siya..
Nandito ako sa sala hinihintay ko ang pagdating nila..Makalipas ang ilang oras ay nakarinig ako ng ugong ng sasakyan..Tumayo ako saka nagayos ng sarili
Unang pumasok si Mommy kasunod niya si Daddy,Hinihintay ko ang pagpasok ni Peter,Nakangiti ako ng pagkalaki laki dahil excited na akong makita siya
Pero nung pumasok siya sa mansion ay inaalalayan niya si lexy na magalakad..Nawala ang ngiti ko..Bakit sobrang dikit nila?,Anong meron?
"Babe"tawag ko kay Peter
Bumaling siya sa akin ng may malungkot na mata Lumapit ako sa kanya
"Bakit ka-"hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng harangan ako ni mommy
Naguguluhan naman ako....
"Peter Alalayan mo si Lexy papuntang kwarto niya"sabi ni mommy
"And you"baling niya sa akin
"Lets talk in the library"sabi ni mommy
Sumunod naman ako sa kaniya..Papuntang library ng parehas na kaming nakaupo ay nagsalita na si mommy
"Cancel na ang kasal niyo ni Peter.."
"Mommy hindi ako papayag"sabi ko
"And who are you para tumanggi?"
"Mommy nagmamahalan kami ni Peter"
"I dont care"
"Hindi na kayo ikakasal and thats Final!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko
"Ano ganon-ganon nalang iyon!?..Mommy mahal ko si Peter!..Mahal niya din ako!..Ano ba ang dahilan niyo?..Mommy ito na iyon ehhh...Akala ko sasaya na ako kase maikakasal ako kay peter!..Pero bakit niyo nanaman inurong ang kasal!,Mommy kahit ngayon lang kahit ito lang...Mahal ko si peter...Gusto ko siyang pakasalan.."sabi ko habang umiiyak

BINABASA MO ANG
The Second Choice✔ [COMPLETED]
SachbücherBe miserable. Or motivate yourself. Whatever has to be done, it's always your choice