Loraine's POV
Pagkagising ko ay nakaposas parin ako sa kama..Sakto namang pumasok si Marcus..May dala siyang mga pagkain..Tinanggal niya ang posas sa kamay ko
Ng matanggal niya iyon ay nagsalita siya
"Eat."maikling sabi niya
Tumango nalang ako,nakakatatlong subo palang ako ay nawalan na ako ng gana..Pinilt kong makatayo..Buti nalang at kaya ko
"Where do you think your going?"tanong niya
"Work.."
Mabilis akong pumunta ng banyo para maligo..Kahit masakit ang mga binti,braso at ulo ko kailangan kong magtrabaho dahil baka magalit si mommy
Nang matapos akong maligo ay itinago ko ang mga pasa ko..Inilugay ko ang mahaba kong buhok para matakpan ang bukol ko sa noo.Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay lumabas na ako ng banyo
Naabutan ko naman si Marcus na nakahiga sa kama..
"Hindi ka papasok"sabi niya
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko,naririnig ko ang sigaw niya pero wala na akong pakielam don..Mabilis akong pumunta sa garahe tsaka ako nagdrive papunta sa company
Ng makarating ako sa company ay nakayuko lang ako hanggang sa makaabot ako ng desk ko,Ginawa ko na yung mga nakatambak na files.Naging busy ako ngayong araw hindi ko nagawang mananghalian.Papapunta na ako ng parking ng biglang mag ring ang cellphone ko
Inoff ko yung cellphone ko dahil si Marcus yung tumawag..Bago ako umuwi ay pumunta muna akosa pharmacy dahil bibili ako ng gamot para sa sakit sa katawan
Pagkatapos kong pumunta sa pharmacy ay napagdesisyunan kong hindi ako uuwi sa bahay namin ni Marcus..Pupunta nalang ako sa condo ko..
Ng makarating ako don ay mabilis akong nagluto..Matapos akong magluto ay kumain na ako,Sa sobrang pagod ko ay pagkatapos kong kumain ay nahiga na ako kaagad sa kama
Hindi alam ni Marcus na may condo ako kaya hindi niya ako mahahanap dito..
Kinabukasan.......
Nagising ako dahil sa sunod-subod na katok sa pinto..Bumangon ako dahil naiirita ako sa sobrang ingay pagkabukas ko ng pinto ay si Marcus ang bumungad sa akin,Isasara ko san ulit yung pinto pero hinarang niya na kaagad yung kamay niya
Madilim ang awra niya nakakatakot.Napagdesisyunan kong makikipaghiwalay na ako sa kanya,pwede niya akong mapatay dahil sa mga ginagawa niya sa akin..
Tinatagan ko ang loob ko..
"Marcus may gusto akong sabihin sa iyo..Uuwi sana ako mamaya pero dahil nandito ka na..Ngayon ko na sasabihin..Mag file na tayo ng divorce..."
Kung kanina ay madilim na ang awra niya ngayon sobrang dilim na,para siyang makakapatay napaatras ako dahil natatakot ako sa kanya
"No!..Hindi ka makikipaghiwalay sa akin!"sigaw niya
"Palayain mo na ako Marcus!..Oo iilang linggo palang tayo!Pero para mo na akong mapapatay!sa ginagawa mo!"sabi ko sa kanya
"Diba ginaganito ka din naman dati?!..Dapat sanay kana!.."sabi niya
Natigilan ako sa sinabi niya
"So...Batayan na ba iyon para saktan mo rin ako?!..Ano kailan ba ako magiging masaya?!,Ano pag patay na ako?!"
BINABASA MO ANG
The Second Choice✔ [COMPLETED]
Non-FictionBe miserable. Or motivate yourself. Whatever has to be done, it's always your choice