Loraine's Pov
Pagkatapos ng nangyari kahapon ay pilit ko parin siyang kinakausap na parang walang nangyari..Nandito ako ngayon sa kusina ipinaghahanda ko siya ng umagahan
Tatawagin ko na sana siya ng may makita akong kausap niya sa harap ng gate..Maganda iyong babae..Matangkad sexy at maputi
Napatingin siya sa akin..
"Who is that?"maarteng sabi niya kay Marcus
"She is my maid"sabi ni Marcus
Ok..Katulong pala ako?..Ok lang parang ganon naman na din ang trabaho ko..Pinapasok niya yung babae..Ng papalapit sila sa akin ay tumabi nalang ako saka yumuko..Walang pwedeng makaalam na may asawa na si Marcus. ...
Pinabuhat sa akin nung babae yung dala niyang bag..
"Ingatan mo iyan..Masyado yang mahal"sabi nung babae
Tumango nalang ako saka ko ito binitbit tsaka ko inilapag sa Sofa...
"Uhmm Sir handa na po yung breakfast niyo"pagaagaw ko ng atensiyon sa dalawa
Tumango nalang si Marcus pumunta sila sa kusina..sagabal lang ako sa kanila kaya lumabas muna ako para mag jogging gaya ng ginagawa ko tuwing umaga
Ilang minuto din akong nagjogging bago umuwi wala naman na siguro yung babae na kasama ni Marcus.Medyo matagal naman na akong nasa labas
Pagkapasok ko sa loob ng mansion ay sobrang tahimik nakahinga naman ako ng maluwag,Pupunta sana ako sa kusina para uminom ng tubig ng makarinig ako ng mga mahihinang halinghing na nanggagaling sa kusina
Dahandahan akong pumunta sa kusina hindi na ako nagulat sa nakita ko..Yung babae na kasama ni Marcus halos hubad na pati na rin si Marcus...
Nakatitig lang ako sa kanila ng bigalang napatingin sa akin si Marcus tinigil niya ang ginagawa niya,Mapakla akong ngumiti sa kanya
Nagpanggap naman ako na parang nagulat
"Ay!Sorry Sir!"sabi ko
Mabilis akong pumunta sa garahe para umalis ,ginamit ko ang kotse ko,Nagdrive lang ako ng nagdrive..
Ano bang aasahan ko,Pare-parehas lang naman ang mga lalake..Hindi nakukuntento sa isa..Laging may reserba!..Oo inaamin ko nasaktan ako sa nakita ko kanina,Pero anong magagawa ko?..Oo asawa ako pero kami lang naman ang nakakaalam..
Napatigil nalang ako sa gilid ng kalsada,Napatulala nalang ako bigla..masyado naman akong malas sa buhay,kailan ba ako magiging masaya yung pang permanente na sana
Tumunog yung cellphone ko kaagad ko naman itong sinagot..
"Nasan ka?"tanong ni Marcus
"Ah nasa tabi-tabi lang"sabi ko
"Umuwi kana magusap tayo"
"Mamaya nalang siguro.Tinatamad ako"sabi ko
"Asan ka ba,Pupuntahan kita"
"Ewan..Di ko alam kung nasan ako,Sige babye na"sabi ko
Inend ko na yung tawag saka ko inoff yung cellphone ko ,Nanatili lang akong nakatulala..Hindi ko namalayang umiiyak nanaman pala ako
Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa pisngi ko..Pinagpatuloy ko lang ang pagdradrive ko..Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa isang stopover..

BINABASA MO ANG
The Second Choice✔ [COMPLETED]
Non-FictionBe miserable. Or motivate yourself. Whatever has to be done, it's always your choice