Chapter 17

471 13 0
                                    

Loraine's POV

Nakarating kami sa dating bahay namin ni marcus..wala pa ding nagbago kung anong iniwan ko dati..Ito padin ang dinatnan ko..

Binuhat ni Marcus ang mga bagahe namin..
Samantalang karga-karga ko si Sean..

Pagkabukas ko ng pinto ay nagbalik ang mga ala-ala ko sa bahay na ito...Lahat ng masamang ala-ala

Natigilan ako parang hindi ko kayang pumasok

Bumaling naman sa akin si marcus

"May problema ba?"tanong niya

"W-wala naman"

Nagdiretso na ako sa pagpasok sa bahay

"Pinaayos ko na ang kwarto ni Sean"sabi ni marcus

Yung dating guestroom namin naging kwarto na ni sean..Inilapag ko siya sa kama

"Matutulog tayo sa iisang kwarto"sabi niya

Napatingin,naman ako sa kanya

"Ha?"

"Yes.."sabi niya bago umalis sa kwarto

Inayos ko na yung mga gamit ni sean bago ako bumaba,pumunta ako ng kusina para magluto ng makita ko si marcus na naghahain na sa lamesa

"Oh andyan kana pala"sabi niya

"Ikaw nanaman nagluto.."sabi ko

"Bumabawi lang ako.."sabi niya

Para akong napipi sa sinabi niya.Nagi-guilty nanaman ako..Natural na talaga sa akin ang pagiging mapagpakumbaba dahil yon ang nakasanayan ko

"Uhmmm sino namang kasama mo dito?"sabi ko sa kaniya

Napatingin siya sa akin..

"Wala"sabi,niya

Natauhan ako sa sinabi niya..pinagpatuloy niya ang pagsasalita

"Noong mga panahong iniwan mo ako..Hindi ako tumigil sa paghahanap..Gabi-gabi akong umiinom para mawala yung sakit..Nawawala naman saglit pero pag gising ko nandon pa din.."sabi niya

"Sorry" yan lang ang nasabi ko

"Hindi mo kailangang mag sorry Loraine..Kasalanan ko din naman ang lahat hayaan mo kong bumawi sa inyo ni sean"

Parang nanlambot ang puso ko sa sinabi niya

"Lets eat"sabi niya

Magkasabay kaming kumain ng panghapunan,ng matapos kaming kumain ay siya din ang naghugas ng mga pinggan

Dumiretso ako sa dating kwarto namin ni Marcus..Nandon na ang mga gamit ko..Pumasok ako ng cr para mag half bath..Pagktapos non ay lumabas ako ng cr nagulat nalang ako ng makita ko si marcus sa loob ng kwarto

Nakatapis ako ng tuwalya..

"Marcus!"sigaw ko

"What?..Nakita ko naman na lahat lahat"sabi niya

"Go out!"sabi ko

"No..I will stay"pagmamatigas niya

Wala na akong nagawa kundi kunin ang mga nakalatag na susuotin ko...Nangiinis talga siya dahil tinititigan niya pa

Mabilis ko itong kinuha..inirapan ko nalang siya

Nagbihis nalang ako sa loob ng cr..Pagkalabas ko ay tinititigan niya ako irap lang ang ganti ko sa kanya

Tumabi na ako sa kanya..Pero nilagyan ko ng unan ang pagitan namin..

"Para saan yang unan?"tanong niya

The Second Choice✔ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon