Ayokong Mahulog Sayo
Date Published: October 30, 2019°°°
|FRODI
NAGMAMADALI akong bumaba dahil narinig ko na ang sasakyan ni Austin. Tagaktak ang tubig na tumutulo galing sa aking buhok ngunit hindi ko ito pinag aksayahan ng oras para punasan dahil late na ko. Nakakahiya ring paghintayin ang lalaki na yon sa baba, sa kanya pa naman ako sasabay papunta sa gig ko.
Yun pa nga pala, hindi rin ako sigurado kung tuloy ba yung gig ko o hindi dahil wala pa kong contact na natatanggap mula kay Mer.
"Oh chill lang, walang humahabol sayo" ani ni Austin habang natatawang nakatingin sakin. May pataas taas pa sya ng kamay na mukhang umaalalay sakin.
"Ewan ko sayo, akala ko ba alas nuwebe start ng business party nyo? Alas syete na kaya, dalawang oras yung biyahe papunta don, diba? Kaya dapat magmadali. Ayoko namang ako ang maging dahilan kung bakit late ka don" sabi ko habang inaayos yung gamit ko.
"Ano ba yan, ang dami mo namang sinabi, tara na nga" pagbubuksan sana niya ako ng pinto kaya lang inunahan ko na siya at binelatan.
"Sabi ko naman sayo, huwag kang masyadong maginoo" sabay pasok.
Haha!
Sinilip ko kung anong reaksyon nya at nakita kong napakamot siya ng ulo, walang nagawa ang kawawang bata haha.
Bumalik nalang sya aa tapat ng driver seat at ilang segundo lang din ay pumasok na sya. Nakita ko pa nga ang bahagya niyang pag nguso kaya medyo natawa ako.
Poor Kid.
"Bakit ba kasi?"
"Huh?" Pagpatay malisya kong sagot na tanong habang nagsusuklay.
Alam ko ang ibig niyang sabihin sa tanong niya pero syempre abnormal akong kaibigan kaya inisin mo na natin siya hanggang sa mapikon. Pikon si Austin, pinaka-pikon sa barkada kapag ako na ang nang-iinis. Pero sa iba hindi naman gaano. Ewan ko ba diyan kapag ako na ang nang-iinis parang hindi sya pwedeng gumanti, parang ayaw nya talagang gumanti.
"Sabi ko..." panimula niya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Napatigil ako sa aking ginagawa ng maramdaman kong may kamay papalapit sa likod ko. Kaya natapik ko ito sa gulat.
"Ano ba Austin? Nakakagulat ka naman!"
"S-Seatbelt lang" agad niyang sabi na may halong kaba, at takot.
Takot na takot sakin to. Nakakainis! Parang batang sinipa pero di makalaban.
"Ako nalang" sabi ko, napatango naman siya bilang tugon.
Namayani ang katahimikan ng ilang segundo nang bigla syang nagsalita.
"About kanina" panimula niya ulit.
"O?" Nilagay ko na ang suklay sa aking bag at inayos ang sarili.
"Bakit ayaw mong maging gentleman ako sayo? Pati narin pagiging sweet pinagbabawal mo? Ilan buwan ko narin yan natatanong sa sarili ko, alam mo bang nababaliw na ko kakaisip sa dahilan mo?"
Natawa naman ako sa sinabi niya.
Ilang buwan?
Tinatanong niya sa sarili nya kung bakit?
Bakit nga ba?
Simple lang naman.
Hindi ko nga lang alam kung ako lang ba ang ganito o meron ring iba. Iniisip ko nga rin kung bakit ganon ako sa kanya. Pero sinabi ko rin naman ito sa iba ko pang kaibigang lalaki.
Pero bakit siya napapaisip don?
Duh! May iba pa kong friends na lalaki na pinagsabihan ng ganyan.
Why so affected and bothered?
"Tinatanong mo kung bakit?" Tumingin siya sakin saglit.
"Oo... kanina pa nga e" sabay nguso.
Cute.
Cute talaga si Austin huwag kayo! Lahat kami sang-ayon don.
Pero sasabihin ko ba?
Tinignan ko siya saglit at napangisi ako nang makita ko siyang naghihintay ng sagot.
"I'm waiting..." bakit kay curious to?Big deal ba?
"Okay lang naman kung ayaw mong s---"
"Dahil ayokong mahulog sayo" pagkayari kong itugon yon ay bigla siyang napapreno kaya muntik na kong masubsob sa harap. Buti nalang ay naisandal ko ang kamay ko.
Not so fast dude para maaksidente ako! Tsk tsk tsk
"Ay sorry Frodi..." natataranta niyang hinawakan ang ulo at kamay ko, mariin niya ring hinaplos ang mga iyon. Chine-check ba nya kung natuluyan ako?
"Hindi ako nauntog" sabi ko. Huminga siya ng malalim bago paandarin ulit yung sasakyan. Kung maka-react kasi.
"S-Sorry..." rinig kong bulong niya.
"It's fine"
Hahahaha ang cute niya.