Continuation...
|FRODI
HABANG nagd-drive si Austin ay kinukwento niya sakin kung bakit niya nalaman na hindi tuloy ang gig ko. Tinanong ko kasi siya kanina.
"Ako pa ba? Mahahalata naman yon agad. Sabi mo hindi pa nagt-text ang kasama mo. Mukha ka karing balisa kanina nang may tumawag. Napahawi ka pa nga ng buhok. E nagagawa mo lang yon kapag stress ka o kaya may pinoproblema at tsaka hindi naman ako umalis kanina. Itinago ko lang ang sasakyan tapos tumakbo para silipin ka, hindi ka naman nakatingin kaya tinext kita at yon confirmed, you lied. Kaya binalikan kita agad kasi mukhang natatakot kana."
Napanganga naman ako sa kwento niya. Lahat ng iyon napansin niya?
E nagd-drive siya pano niya napansin yung mga yon?
Wow.
"Hindi ka marunong magsinungaling Frodi, hindi ka makakapag-sinungaling sakin."
Napanguso naman ako. So lahat ng ginawa ko nagpapakita lang ng katangahan? Dahil alam naman pala niyang nagsisinungaling ako. Hindi pala ako magaling mag-sinungaling.
Clap clap Frodi dahil ika'y umasa.
"Nagugutom ka na ba?"
"Hindi" sagot ko kaagad.
Pag ito talaga alam pa niya.
"Mukhang gutom ka na nga, kain muna tayo ah" dahan dahan niyang iniliko ang manubela kaya napalingon ako sa labas. Isang karindirya ang tinapatan ng sasakyan niya.
"Hindi ako gutom sabi ko" hindi niya ako pinansin at lumabas na siya. Nakita ko nalang siya sa tapat ng pinto kung nasan ako. Binuksan niya ito at hinila ako papalabas.
"Halika na, alam kong nagugutom ka. Stop lying okay?"
Sige siya na may alam na nagsisinungaling ako.
"Anong gusto mo?" Napatingala ako sa menu.
"Ikaw ba?" Tanong ko habang namimili parin. Lahat naman ng nasa menu ay masasarap. Baka umayon nalang ako sa gusto niya.
Sige na nga aaminin ko na, gutom na talaga ako. Hindi kasi ako kumain kanina.
"Wala ka naman sa menu." Napatingin ako sa kanya.
"Ano?" Hindi ko narinig sinabi niya kasi naka-focus ako sa menu. Ano ba order niya?
"Ala..." nakita ko siyang naglakad papunta sa mga tindera. Kaya sumunod nalang ako.
Problema non?
"Ang bingi niya po no? Hindi niya marinig na siya ang gusto ko" rinig kong sabi niya sa matandang babae na nagsasalin na ng ulam.
Nakita ko na natawa naman ito.
"Narinig niya yon, hindi niya lang naintindihan"
Ano bang pinag-uusapan ng dalawang to?
"Hindi niya naman narinig e"
"Eh bakit sumagot siya ng ano? May narinig siya iho hindi nga lang niya naintindihan, ipaintindi mo kasi" nakita ko namang napakamot si Austin.
"Pano po? E siya na nga ang nagsabi na ayaw niya. Awit!"
"Awit?"
"Ay... wala po Manang hahahaha... hindi ka makaka-relate"
Ano daw? Nagkakamabutihan ata tong dalawang to? Hahahaha pumapatos ata ng matanda si Austin.