Ayokong Mahulog Sayo: 5

26 3 0
                                    


Continuation...

|FRODI

KASALUKUYAN na kaming nasa loob ng sasakyan. Pareho kaming tahimik dahil sa kabusugan. Hindi ko narin trip magsalita dahil busog nga ako. Pero ang katahimikan na namamayani na ng ilang minuto ay sinira ni Austin.

"Mags-sound trip ako ah" paalam niya.

"Sige lang" Bakit pa ba to nagpapaalam e kanya naman tong sasakyan? Tsk...

Ipinikit ko ang aking mata at isinandal ang aking likod.

Mayamaya ay narinig ko narin ang kanta.


Play the Music:
Passenger Seat by Stephen Speaks

Okay bakit ganito ang kanta?

Nananadya ba tong lalaki na to?

Ididilat ko na sana ang aking mata ng may dumagan sa akin. Isang coat na mukhang hinubad ni Austin para ibigay sakin.

Akala ba niya na matutulog ako?

Ipinagpatuloy ko ang pagpikit dahil ramdam ko narin ang antok. Buti nalang at nakaharang ang coat niya dahilan ng pagkabawas sa lamig na nararamdaman ko.

Naririnig ko ang pagbulong bulong na pagsabay ni Austin sa kanta. Kaya medyo napangiti ako. Ang ganda ng boses niya. Bakit ang lakas lakas ng boses niya gayong bumubulong lang siya?

"And I've got all that I need

Right here in the passenger seat

And I can't keep my eyes on the road

Knowing that she's inches from me"

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit tila para sakin ang kanta na yon. Dahil ba ako yung nasa passenger seat niya ngayon? Kaya in-assume ko na para sakin talaga ang kanta. Na kaya niya sinasabayan dahil may gus---no it can't be. Sinasabayan niya ang kanta dahil ang ganda. Ang catchy catchy kaya ng kanta to the point na di mo maiwasang mapasabay.

"Oh, and I know

How this love grows"

Bago tuluyang mawala ang ulirat ko narinig ko pa ang huli niyang binulong.

"I can't keep my eyes on the road Frodi
knowing that you're inches from me"

Boom Rhyme!


NABIGLA ako nang may kamay na umaalog sakin. Dahan dahan ko idinilat ang mga mata ko at naaninag ko si Austin na nakatingin sakin habang nakangiti.

"Andito na tayo" balita niya.

"Anong oras na?" Bigla kong tanong at umayos ng upo. Kinusot ko pa ng bahagya nag aking mata at kinapa kung may dumi.

Nakakahiya kasi kung meron.

"9:32..." napatingin ako sa kanya.

"Don't worry, alam kong late tayo pero okay lang yon" muli na naman akong kinabahan dahil oo nga pala, isasama nga pala nya ko sa loob. Napatingin ako sa aking suot at napangiwi dahil ang dumi ko, natapunan kasi ako ng sabaw kanina. Onti lang naman pero madumi parin.

"Meron akong dress na dala diyan, color red. Kung gusto mo pwede mong isuot, kaya lang di ka naman sanay magsuot non diba?" Bigla naman siyang napakamot sa ulo niya nang sabihin niya iyon.

Dress? Color red?

"Pwede na naman na yang suot mo e. You don't have to wear that dress." Tinignan ko ulit ang aking suot at napaisip. Kung di ako magd-dress magmumukha akong pulubi sa loob.

"Isusuot ko. Asan ba?" Tila bang nagulat siya sa sinabi ko at di agad nakagalaw. Pero nang pinitik ko ang noo niya tsaka pa lamang siya natauhan.

"Kukunin ko" nakita ko siyang tumakbo sa likuran bahagi ng kotse nya at kinuha ang paper bag don.

"Ito... kaya lang, wala akong sandals" hindi ko rin naman kailangan yon.

"Pwede ba akong magsapatos nalang don sa loob?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Tara samahan na kita sa Cr." Kinuha niya ang bag ko at ang gitara. Isinukbit niya sa kanyang balikat.

Gitara?

"Bakit mo dadalhin yan? Iwan mo na yan dito" utos ko sa kanya. Anong gagawin ko/niya sa gitara?

"Basta. Dadalhin ko na to" tapos hinila niya ako papunta kung saan. Pagpasok namin sa loob, naramdaman ko kaagad ang lamig.

Wow ang lamig naman dito.

Habang hila hila ako ni Austin ay napapatingin ako sa mga babae. Ang ganda naman ni ateng nakakulay pitch na cocktail.

"Huwag mong tignan yon, mas maganda ka don" rinig kong sabi ni Austin. Nakahinto na pala kami sa tapat ng Cr.

"Bolero" bulong ko sabay kuha ng paper bag sa kanya at pumasok na.

"Hindi pa ba dumadating yung anak nila Mr. Masterana?"

"Hindi pa nga e. Super late na niya"

"Bayaan mo na, dadating naman na daw"

"Kanina pa siya inaabangan ng pinsan ko"

"Sino?"

"Si Ivanna"

Napahinto sila sa kanilang ginagawa nang makita nila akong pumasok. Nginitian ko sila bago pumasok sa cubicle.

Mr. Masterana? Dad ni Austin yun diba?

Mukhang umuurong ang pwet ko ah. Nakakatakot ang isang yon. Mukhang nangangain ng tao. Kinuha ko ang dress at pinagmasdan.  Maganda naman.

"Kung hindi lang kailangan hindi kita isusuot." Bulong ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako magbihis.

Ayokong Mahulog SayoWhere stories live. Discover now