Ayokong Mahulog Sayo: Finale

44 2 0
                                    

Continuation...

|FRODI

Tumatawag siya?

Bakit siya tumatawag?

Pinunasan ko ang cellphone ko kaya aksidente ko itong napatay. Shit!

Baka sabihin nyang pinagpatayan ko sya?

Pero ilang segundo lang naman ay nakita ko ulit sa screen ang pangalan niya, kaya this time sinagot ko na agad.

"H-Hello" nanginginig kong sagot. Hindi ko na kaya ang lamig. Kaya niyakap ko ng husto ang gitara ko.

"Asan ka?" Asa labas kaya rin siya? Dahil naririnig kong umuulan din kung nasan siya.

"Asa loob, andito sa hall. Asan ka ba? Uuwi na ba tayo?"

I lied again.

Kung kinakailangan, magsisinungaling ako hanggang sa makakaya ko. 

Pero ano naman kasi ang sasabihin ko diba?

Na nasa labas ako pumunta ako sa kotse mo pero hindi ikaw ang nakita ko ron kung 'di girlfriend mo na giniginaw, na mukhang hinihintay ka. Kaya bakit ka pa tumatawag sakin, puntahan mo na yon. Ganon?

"Oo. Uuwi na tayo tumayo ka na diyan."

Alam niyang nakaupo ako?

Sabagay nakaupo lang naman ang ginagawa ko sa loob ng hall kanina. Malamang baka guess niya yon.

"Sige. Hintayin mo nalang ako sa labas o kaya sa kotse mo nalang" sabi ko sabay punas sa luha.

Putragis naman. Bakit ako umiiyak? Dahil ba sa iba na ang nakaupo sa passenger seat nya?

Passenger seat pa nga.

Ang babaw mo naman Frodi, kaibigan ka lang uy. Tsaka deserve mo rin yan, diba yan ang gusto mo? Anong inaarte arte mo ngayon?

"Umuulan. Wala kang payong" alam ko. Alam ko kaya.

"Ganun ba? Ako ng bahala don. Dala ko naman ang gitara ko. Ipapatong ko nalang sa ulo ko" sabay tingin sa gitara ko. Sinong shungang ipapayong ang isang gitara? Malamang ako, sinabi ko na.

Hinintay ko siyang magsalita pero parang ang layo ng cellphone sa kanya. May kumakausap ata sa kanya. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila kasi wala rin naman akong pake.

"Susunduin kita" ha?

"Asan ka ba?" Tanong ko.

Kasi pano naman niya ko susundin e may kasama siyang iba.

"Huwag kang aalis diyan sa pwesto mo, susunduin kita"

Ayokong Mahulog SayoWhere stories live. Discover now