Continuation...
|FRODI
BAKIT kaya hanggang ngayon wala paring text yung Mer na yon? Kinakabahan na ako ah, isa ko pang text sa kanya at wala pa siyang reply.Ano ba Mer? Tuloy ba?
Kung hindi tuloy tong raket ko na to, bahala na kung saan ako sasakay pabalik. Nakakahiya naman kasi kung magpabalik ako kay Aust---
Oh thanks God nagreply din este tumawag din.
"Hello Mer, oh ano na?" Naramdaman kong napalingon si Austin pero syempre nagd-drive siya kaya hindi rin yon nagtagal.
(Sorry Frodi ngayon lang ako nagkaroon ng time para tawagan ka, tuloy yung event...)
"Okay, mga 30 minutes siguro andyan na ko" tuloy naman pala e.
(WHAT?! But Frodi meron palang sariling band yung client)
"Ano?!..." nilingon ko saglit si Austin baka narinig niya pero sa awa ng Diyos busy siya sa pagd-drive. Pero pano na ang gagawin ko neto?
(Sorry Frodi... sorry talaga, hindi agad ako nakapag rep---)
"Uhm... sila Bryan nga pala asan sila?"
(Umuwi na sila...)
"Ge kitakits nalang"
(Wha---) huminga ako ng malalim at sumandal. Gosh nakaka-stress.
"So... ano ng nangyari?" Kinabahan ako bigla ng tanungin ako ni Austin.
Narinig kaya niya?
Pero siguro naman hindi, nasabi ko naman kasi kanina sa kanya na hindi pa nagte-text yung kabanda ko.
"H-hinihintay nalang daw nila ako" pagsisinungaling ko.
Hindi ko mapigilang hawiin ang aking buhok paitaas dahil sa nalaman ko. Gosh...
"Ganun ba? Okay galingan mo" nginitian ko siya at tinanguan.
Buti naman naniwala siya.
MABILIS dumaan ang minuto at andito na ko sa lugar na sinabi ni Mer. Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng poste malapit sa place ng event. Habang si Austin ay nakatayo malapit sa kanyang sasakyan na pawang nakakunot ang noong pinagmamasdan ang pinaghintuan namin.
"Dito ka ba pupunta?" Sa kanyang pagtatanong halata mong nagtataka sya. Ako nga rin sa sarili ko nagtataka rin at bakit dito ako nagpahinto. Sa sobra kong kaba naisigaw kong tumabi na lang dito.
"Doon" turo ko sa medyo malapit na entrance ng resort.
"E bakit dito ka nagpahinto?"
Excuse
Excuse
Excuse
Isip
Isip
"Uhm... may hihintayin lang akong kasama, hindi niya kasi alam kung saan" kahit madilim at medyo dim ang ilaw na nanggagaling sa poste ay nakita kong napataas ang kilay niya. Sana naman ay maniwala siya.
Maniwala ka naman!
"Sa pagkakaalala ko, sinabi mo kanina na ikaw nalang ang hinihintay, e bakit may hihintayin ka pa rito?"
Oh shocks!
Whatta?
"A-ano, kaka-text lang ni Bryan na wala pa pala si... si... si ano" sino ba?
"Si Luisa... isa rin sa vocalist" tumango tango naman siya, naglakad papunta sakin at tumabi. Kaya ako naman ang napakunot ang noo.
Bakit tumabi sakin to?
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Napalunok ako nang lingunin niya ako bigla at nagkaroon ng maliit na distansya ang aming mga mukha.
Nakatingin siya sa aking mata habang ganon din ako.
Bakit?
Bakit ganito?
Napahawak ako sa bag ko ng mahigpit dahil sa sandaling pagkabahala.
"Sinasamahan ka, hihintayin natin kung sino man yang hinihintay mo" napaatras ako nang biglang kumabog ng husto ang puso ko. Tumalikod ako ng bahagya mula sa kanya at hinimas ang dibdib ko.
"May sakit kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko dahil bakit ganon nalang ang tibok ng puso ko.
"Huh? May sinasabi ka ba?" Nilingon ko siya bigla at umiling. May sinasabi ba ako? Napalakas ata! Ano ba naman yan.
"Bakit hindi ka pa umalis? Late ka na sa pupuntahan mo. Baka pagalitan ka dahil diyan" halos hangin nalang ang lumalabas sa aking bibig nang sabihin ko iyon. Hindi maaari. Bakit ba ako kinakabahan? Nagsisinungaling lang naman ako.
"Aalis naman ako kapag andyan na yung hinihintay mo" Eh wala naman akong hinhintay? Kung ganon, hindi siya makakaalis kasi wala naman?
"Okay lang, kaya ko naman sarili ko, pwede ka ng mauna, huwag kang mag-alala sakin" hinawakan ko sya sa braso at hinila papunta sa tapat ng kanyang sasakyan.
"Ano ba Frodi, mamaya pa ko aalis" prutesta niya.
"Ngayon na, kasi kaya ko naman sarili ko" binuksan ko ang pinto at pilit syang pinapapasok sa loob.
"Sandra wala kang makakasama rito, delikado" napatitig ako sa kanyang mga mata, bakas sa mga ito na lubos syang nag-aalala. Napangiti ako at mayamaya ay napangiti narin siya.
"Salamat sa pag-aalala pero kaya ko na ang sarili ko Austin, may pupuntahan ka din, importante yon kaya please iwan mo na ako dito" naramdaman ko nalang na hinawakan niya ako sa kamay.
"Importante ka rin naman, kaya dito muna ako" lalabas na sana siya ulit kaya lang hinarangan at pinigilan ko siya.
Ang kulit naman nito.
"Austin, please?" Tinignan niya ko na parang nakikipaglaban, eye to eye. Fight!!!
"Alam kong nag-aalala ka pero sabi ko naman sayo diba kaya ko? Kapag naman hindi sinasabi ko naman diba?" Nilungkutan ko ang aking boses para sa ganon ay mapa alis ko siya. Makuha ka sa paawa!
Pero gusto ko siyang mag-stay at wala akong kasama rito. Walang maghahatid sakin pauwi. Pero kailangan niyang umalis. Kaya ko naman sigurong umuwi. Ano ba yan? Ang gulo ko ah.
"Kaya mo nga pero hindi mo ko mapipigilang hindi mag-alala"
"Alam ko, pero pwede naman tayong magtext sa isa't isa para masigurado mong safe ako" Nakita ko namang napaisip siya don kaya sa huli ay napaalis ko rin siya.
Dahan dahang umandar ang sasakyan niya papalayo sa kinatatayuan ko ngayon hanggang sa mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya.
Maya maya ay nag vibrate yung phone ko.
Nanalo kang paalisin ako pero sa susunod hindi na ko magpapatalo sayo. Ingat ka diyan. Text ka kaagad kapag asa loob kana.
Agad ko naman itong nireplyan.
Oo. Sasabihin ko kaagad. Huwag mabilis magmaneho ah. Ingat ka din.
Pagkayari ko iyong sinend ay nilingon ko yung pinagdaanan niya. Wala na siya.
Ang galing ko talagang mag sinungaling.