Ayokong Mahulog Sayo: 3

30 3 0
                                    

Continuation...

|FRODI

BUMALIK ako sa tapat ng poste at naghintay na baka may dumaang taxi. Pero ilang minuto na ang nakakalipas, wala parin akong makita. Hanggang sa mag vibrate ulit ang phone ko.

Asa loob kana? Dumating na ba yung hinihintay mo?

Napahilamos naman ako ng mukha dahil sa text na yon. Ramdam ko narin ang ngawit kaya umupo nalang ako sa semyento.

Ano kaya ang sasabihin ko dito?

Nagtipa ako ng irereply sa kanya. Kahit na hindi naman. Ganun parin ang reply ko.

Oo. Andito na kami.

Sinong kami naman daw kaya ang tunutukoy ko? Multo?

Speaking of.

Napalingon lingon agad ako sa aking gilid at likod, dahil baka magdilang demonyo ako e baka meron na talaga akong katabi. Kaya sa takot ko ay bigla akong tumayo at nagpagpag. Inayos ko rin ang sintas ng sapatos ko dahil nakakalag na pal---

BEEP BEEP!!!

"AAAAAAAAAAAAAH!!!" Bigla akong napasalampak sa gulat at nagtakip ng mukha.

Shit!!! Sino ba yung impakto na yon?

"Bakit kaya nakikita ko si Frodi dito e nasa loob na 'daw' yun?" Dahil sa kaba at takot, dahan dahan kong tinanggal ang kamay ko at nilingon siya.

Nakita ko siyang lumabas at naglakad patungo sakin. Niluhod niya ang kanang tuhod at tumingin sakin na mukhang galit, galit talaga.

"Hindi ko alam kung maiinis ba ako o magtatampo sayo o sasaya sa nangyari ngayon." Nilihis niya ang aking kamay na nakahawak sa lace ng sapatos ko. Siya na ang nagtali. Habang nakatingin siya sa sapatos ko, nakatitig ako sa kanya.

Alam ka niya?

"Naiiinis ako dahil hindi mo manlang sinabi sakin ang totoong wala ka na palang pupuntahan o di tuloy. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung kaibigan mo pa ba ako? Dahil di mo manlang nagawang sabihin sakin ang totoo." Sa pangalawang pagkakataon ngayong gabi ay napalunok na naman ako nang titigan niya ko. Hinawakan niya ang aking braso at inalalayang tumayo. Kinuha niya ang gitara at bag ko, kaya sa sobrang kaba ay hindi na ako umapela pa. Ramdam kong nagtatampo siya at hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Sorry Austin. Nahihiya lang ako talagang sabihin sayo" tumalikod na siya sakin at naglakad na papunta sa sasakyan niya.

"Meron ka ba non?" Seryoso niyang sabi kaya napangiti rin ako pero nawala rin yon agad dahil hindi ko alam kung galit pa siya o ano.

Alam ko namang pinipilit niyang magbiro.

"Oo naman meron. Pero sabi mo hindi mo alam kung magtatampo ka o sasaya. Bakit ka sasaya? Ano yon?" Pag-iiba ko.

Pupunta na sana ulit siya sa passenger seat nang tumakbo ako roon bigla kaya hindi na siya tumuloy. Narinig ko pa ang pagsabi niya ng....

"Ayaw mo talaga" hindi ko alam kung bakit niya nasabi yon pero hindi ko nalang pinansin. Pumasok na siya sa loob at pinaandar na ang sasakyan.

"Sasaya dahil maisasama kita. Masayang masaya dahil makakasama kita."

Huh?

"Saan?" Don't tell me sa business party nila?

"Sa pupuntahan ko."

"Hoy hindi pa ako pumapayag." Bigla kong sabi. Ayokong pumunta don.

"Hindi naman ako humingi ng permission mo" seryoso niyang sabi habang deretsyo ang tingin sa daan.

"Kahit na. Ayoko." Hininto niya ang sasakyan at tumingin sakin. Kahit na ang awkward ay tumingin rin ako sa kanya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Kaibigan kita at gusto ko andon ka kasama ako. Kaya please? Samahan mo ko ngayong gabi." Hindi ako makagalaw sa sinabi niya.

Bakit ang gandang pakinggan nung huli niyang sinabi?

Samahan mo ko ngayong gabi.

Samahan mo ko ngayong gabi.

Samahan mo ko ngayong gabi.

"Ayoko." Umiwas ako ng tingin.

"Please?" Huminga ako ng malalim bago ulit tumingin sa kanya. Nakayuko siya ngayon na tila ba nasasaktan. Kapag ganyan ba, makakatanggi ka pa?

"Please? Ayokong sabihin to sayo pero no choice ako. Please Frodi, pambawi mo nalang ang pagpayag sa pagsi-sinungaling mo sakin kanina."

Tsk. Tapos dagdag mo pa ng ganyan.

"Sige na nga." Bigla naman nyang inangat ang kanyang ulo at sumilay ang ngiti na kanina ay nawala.

"Payag ka na?" Psh.

"Konsensyahin mo ba naman ako" natawa siya kaya napairap ako.

"Pero hindi ako nakabihis" sabay tingin sa damit ko. Naka Gray shirt kasi ako na may tatak na I owed it to you. Ripped Jeans at black shoes.

"Nakahubad ka?" Bigla ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Joke yon ih"

"Then di nakakatawa" kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. 8:23 na pala.

"Mal-late ka na" sabi ko sa kanya.

"TA.YO." pagtatama niya.

"Okay fine. Tayo na" sabi ko naman.

"Tayo na?" Huh?

"Ano?" Nakita ko namang napabungisngis siya.

Ano daw?

"Wala"

Ayokong Mahulog SayoWhere stories live. Discover now