Continuation...
|FRODI
"Ihahatid lang kita"
"Hindi na kailangan"
"No, I insist."
"Sabing huwag na" pagkalabas ng pagkalabas ko ay nag-iba ang pakiramdam ko. Rinig na rinig ko narin ang tunog ng buhos ng ulan.
Umuulan pala?
Sabagay napansin ko din naman yon kanina habang bumabiyahe kami, walang kahit na anong bituin akong nakita.
Tumingin ako sa likuran ko at buti naman di na sumusunod si Blue. Huminga ako ng malalim bago sumugod sa ulan papunta sa kotse ni Austin.
Napahinto ako bigla dahil sarado nga pala iyon.
Pero ilang saglit lang din, nagpatuloy rin nang maalala kong may pwedeng pagsilungan don. Sa malayo natanaw kong may ilaw sa kotse niya.
Andon na siya?
Salamat naman.
Nakayuko akong tumatakbo patungo sa kotse niya, nang matapat ako sa pinto ng passenger seat ay nakayuko ko itong binuksan at napahinto na lamang ako nang makitang may babae roon.
Basang basa siya at nakapatong ang coat ni Austin dito. Bahagya siyang nagulat ngunit nagawa parin niyang ngumiti.
Wala si Austin sa loob, bakit siya andito?
"Nababasa kana Miss" sabi ng babae sa loob. Nginitian ko siya at tinanguan bago sinara ang pinto at umalis. Naglakad ako papalayo sa kotse.
Girlfriend kaya siya ni Austin?
Siya kaya si Ivanna?
No. Hindi niya girlfriend yon kasi ngayon lang naman ata sila nagkita at walang nababanggit sakin si Austin. Magkaibigan na kami ni Austin for almost 6 years, sa loob ng 6 years na yon kasama niya ko at sinasabi niya sakin lahat ng nagiging girlfriend niya. Imposible namang nakalimutan niyang sabihin sakin yon kasi kapag nagkaka-girlfriend naman sya sobrang proud sya to the point pinagsisigawan niya ito, at parati niya itong sinasama sa barkada.
Huminto ako sa isang upuan na may silong. Umupo ako roon at niyakap ang gitara.
Wala lang yon Sandra. She's Ivanna, yung kasama niya kanina pa habang hinahanap mo siya sa loob para pakinggan ka. Para ipakita na sinunod mo ang gusto niya, na kumanta ka para sa kanya. Hindi manlang siya nagpaalam sakin na aalis siya para puntahan kung ano man yung mas importante niyang pupuntahan. Para naman alam ko kung hahanapin ko pa ba sya o hindi na. Nakakatampo din yun ah. Gumaganti ba sya? Pwes nakaganti na siya.
Biglang nanikip ang paghinga ko. Parang napapaso ito dahil sa nararamdaman ko.
No.
Shit!
Pinahid ko ang aking pisngi at umiling-iling.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Dapat ay wala lang sakin yon. Bakit sobra naman ata akong naapektuhan sa nakita ko? Kaibigan ko siya at kaibigan niya ako. Dapat ganon lang. Ayokong mahulog sa kanya, kaya dapat Sandra tumigil ka na. Mas magandang magkaibigan lang kayo. Wala kang ibang iisipin kundi ang pagkakaibigan nyo.
Naramdaman kong may nag-vibrate sa bag ko.
Kinuha ko ito at tinignan.
Tumatawag siya?