Continuation...
|FRODI
NANG makahanap na kami ng upuan ay inilapag na niya ang gitara ko na nakatabi sakin. Habang siya ay nasa kanan ko.
"Kinakabahan ka ba?"
"Hindi ba halata?" Napangiti naman siya at kinurot ako sa balikat.
"Aray naman ah" pero pinagtawanan niya lang ako. Napatingin ako sa mga lalaking nags-serve ng mga wine. Kaya medyo natakam ako don. Mukhang mamahalin rin kasi at mukhang masarap.
"Huwag kang iinom." nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"Sige uminom ka nang iwan kita dito." pagbabanta niya sakin.
"Isa lang naman." reklamo ko.
Napangiti ako nang makita kong papalapit na ang isang lalaki sa pwesto namin. Ilalagay na sana niya ang isa sa tapat ko nang magsalita si Austin.
"Subukan mo lang bigyan yan." napakagat naman ako sa inis sa sinabi niya. Austin huwag kang kj.
"No kuya! penge isa" itinaas ko pa ang hintuturo kong daliri. Pero si kuya di ata alam ang gagawin.
"Uhm Mr. Austin Masterana pinapatawag po pala kayo ni Mrs. Masterana." sabi ng lalaki sa kanya. Nilingon ko si Austin na nakatingin rin pala sakin. Mukhang hindi niya alam ang gagawin kaya tinanguan ko nalang siya para umalis. Alam ko naman na ako ang iniisip niya, kaya nagdadalawang isip pa siyang pumunta.
"Pano ka rito? Mag-isa ka lang" nag-aalala na naman niyang sabi.
"Babalikan mo naman ako mamaya diba?" Syempre babalikan naman niya ko mamaya. At tsaka para dina lingon ng lingon dito ang mga tao. Kanina ko pa yun napapansin eh. Nakakailang. Parang mga nanghuhusga.
"Iinom ka dito e." biglang napataas ang kilay ko.
"Isa lang" bulong ko.
"Sige na nga isa lang, bigyan mo na yan kuya. Pero huwag mo na ulit bibigyan mamaya" tumango naman ang kuya at umalis na pagkayaring ilagay ang isang glass of wine sa tapat ko.
Isa? Mae-enjoy ko ba to, kung isang baso lang?
"Babalik ako." Tumango ako at don palang siya umalis.
Nilingon ko siya habang papalakad papunta don at maya-maya nakita ko na siyang seryong nakikipag usap sa mga ka-business ng Daddy at Mommy niya.
"You're alone?" Napaangat ang ulo ko sa lalaking nagsalita.
Hindi ba halata, Kuya?
"Yes" sagot ko nalang sabay inom ng deretsyo ng wine.
"Woah... cool" ibinaba ko ang baso at pinunasan ang bibig ko.
"Gusto mo pa?" Bigla naman akong napangiti sa alok niya. Kaya diko maiwasang hindi tumango. Tumayo siya at bumalik na may dalang bote.