Heto na ang UD. Hindi masyadong active ang LUVIES sa Horror FF na ito. Pero ayos lang, nasimulan ko na siya eh wala nang urungan. Sana dito sa first chap ay mas maramdaman ko kayong lahat. Please do vote and comment. It's badly needed. HAHA!
Short story lang po ito. :))
PART ONE
“NOOOOOOOO!!!!!!” Nagising si Devon mula sa isang bangungot. Kailanman ay hindi pa siya nakaranas nang isang bangungot kahit nung panahong namatay ang kanyang kapatid. Kaya’t hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang may ganito at kung bakit naroon ang kapatid niya.
Her sister was killed last year. She was murdered by this unknown ruthless killer. She was ruthlessly killed after being raped. Halang ang kaluluwa nang kung sinumang gumawa niyon rito. Gusto niyang mabulok sa kulungan ang taong iyon, better yet mamatay ito at mapunta sa impyerno.
*huff huff*
Sapu-sapo niya ang kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga, umaatake na naman ang asthma niya. Mabilis niyang tinungo ang kanyang bedside table at hinagilap ang inhaler roon. Ilang sandali pa’y nakakahinga na siya ng maluwag.
Umupo siya sa gilid nang kanyang kama at saglit na tumingin sa kawalan. Iniisip niya kung bakit may ganoong klase siya ng panaginip. Ano kayang ibig sabihin niyon? Agad namang dumako ang tingin niya sa nakasabit na larawan ng kanyang kapatid sa may ding ding.
“Kath.. Ano bang ibig sabihin nun?” pabulong na tanong niya na animo’y nasa harap niya ang kanyang kapatid at nakakausap niya ito. Isang luha ang kumawala sa kanyang mga mata. Agad niya iyong pinalis nang tumunog ang kanyang cellphone.
Kinuha niya ang aparato mula sa ilalim ng kanyang unan at walang tinging sinagot iyon. Agad niyang narinig ang baritong boses ng kanyang nobyo.
“Good Morning to the most beautiful girl in the world.” masiglang bati nito sa kanya mula sa kabilang linya. Napalitan ng ngiti ang simangot sa kanya napakagandang mukha.
“Good Morning too, handsome.” ganting bati naman niya rito. Siguro siya, isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
“I’m excited to see you. Are you?”
“Of course. I’m also excited about the camp. We can bond with the others finally..” masayang sabi naman niya.
“I’ll see you later. You better get ready now, or you’ll be late.” paalala naman nito. Dahil sa sinabi nito ay napadako ang tingin niya sa wall clock niya, maga- alas nueve na pala ng umaga. Kailangan nga pala niyang magpunta sa school ng saktong alas- diyes.
“Oh snap. I’m gonna be late. I haven’t even packed my things yet.” natatarantang sabi niya saka dali- daling hinagilap ang kanyang bathrobe at towel. Sunod siyang nagtungo sa closet. Thanks for reminding me, love. I’ll see you soon. I love you.. to infinity and beyond.” aniya rito na puno ng pagmamahal.
“I love you more, love… to infinity and beyond.” sabi naman nito at saka ito nagbaba. Napangiti naman siyang muli. Ang corny nila pero sweet. Magandang panimula sa para sa nasirang araw.
**
“Hey guys!” magiliw na bati niya sa mga kaibigan nang makarating sa campus. Naroon sila sa loob ng kanilang dance studio. Kumpleto na sila, siya ang last na dumating.
Agad na hinanap ng kanyang mga mata ang kasintahan. Nakita naman niya ito sa isang gilid ng silid. Nakangiti ito habang pinagmamasdan siya. Nginitian naman niya ito saka naglakad palapit rito.