Eto na ang sagot sa inyong mga katanungan. WAHAHA! Sayang.. may nakahula, kala ko magkakanda- gulo ang isip niyo... Dalawa ang nakahula, pareho pa silang tama sa reasoning nila! Mas tama nga lang yung pangalawa. Sayang lang at di siya nauna. Eto na, sa kanya ito dedicated.. kasi siya ang unang nakakuha ng tamang sagot.. Nasagot niya pero dito sa EPILOGUE mas malilinawan na kayong lahat..
Bakit niya pinatay ang mga kaibigan niya? Anong koneksyon niya kay Kath? Ano nang mangyayari kina Devon, Sam at Felix? Makaligtas kaya silang lahat? at ang huling tanong...... SINO ANG KILLER NI KATH?
EPILOGUE (ALL QUESTIONS WILL BE ANSWERED)
"Bastard!!! Damn you, bastard!! Show your face, you bastard!!!" galit na sigaw ni Sam sa kaibigan habang nakatingin sa monitor na nasa itaas. Naikuyom niya ang kanyang mga palad sa sobrang galit. Kung nasa harap lang niya ang traydor na kaibigan ay baka nagawan na niya ito ng di kanais nais.
“Sam, calm down. Now’s not the right time for that..” pagpapakalma naman ni Felix sa nagwawalang kaibigan. Hindi niya maiwasang di magsisi sa mga nangyayari ngayon. Bakit ba kasi kailangan mangyari ang mga ito? Nadamay pa ang mga kaibigan niya.
“Now’s not the right time? Are you stupid? Gago ka ba? This is the perfect time for this!!” patuloy pa rin sa pagwawala ang kaibigan niya.
“Damn it!!” naubusan na siya ng pasensya kung kaya’t biglaan na lang niya itong nasapak ng di sinasadya. Napalugmok naman ito sa sahig, dumudugo ang labi dahil sa pagputok niyon. Gulat naman itong napatingin sa kanya. Hindi makapaniwalang nagawa niya iyon. Huminga siya ng malalim saka tinulungan itong tumayo. “I thought you needed that to calm down. Come on, pare… You’re not the only one who’s worried. I am too. She’s my girlfriend.”
“Then how come your still relaxed? That’s just the point. Girlfriend mo siya, di ba dapat inililigtas mo siya. Hindi naman to mangyayarikung di mo siya pinabayaan eh. Kung hindi mo iwinala ang gamut niya! Kung hindi ka dumating kanina… hindi sana siya aatakihin ng asthma!! Hindi ka na kasi dapat umeksena! She’s much better off without you! She doesn’t need you!! You can’t even protect her!!” tuloy tuloy na sumbat ni Sam sa kaibigan.
Napakuyom naman ang mga palad ni Felix sa narinig. Nagpipigil lang siya dahil baka masapak na naman niya ito. Tutal kasalanan naman talaga niya kung bakit sila humantong sa ganung sitwasyon. Kung hindi sana siya nagpadala noon sa kanyang nararamdaman, di mangyayari lahat ng ito. Hinding- hindi……..
“Wala kang karapatang sabihin saken ang mga bagay na yan. Wala ka sa posisyon para sabihin kung mabuti akong nobyo o hindi. Lalong wala kang karapatan sabihing pinabayaan ko siya dahil diba ganun din naman ang nagawa mo. Pinabayaan mo siya…” sabi naman niya rito. “Ngayon mo ako sumbatan, Sam…”
Matalim na tingin lang ang ibinigay ni Sam sa kaibigan saka nag- iwas ng tingin… “Whatever.”
“You love her, don’t you?” biglang tanong ni Felix dahilan para biglaang mapatingin si Sam sa kanya.
“Yes. I love her, and after all this… I’ll take her away from you..” –Sam.
“Whatever happens…. promise me, you’ll protect her. If we both survive, I’m sure she’ll come to you… so please, don’t ever hurt her….” malungkot na sabi ni Felix sa kaibigan. Napakunot noo naman si Sam rito dahil hindi niya maintindihan kung bakit ito nagsasalita ng ganoon. “Let’s go separate ways. If you find her, gawin mong lahat mailigtas lang siya.”
Nagsimula ng maglakad si Felix patungo sa kabilang direksyon… naiwan naman si Sam na gulong- gulo at maraming katanungang hindi na yata masasagot. Tiningnan niyang magmuli ang monitor at nakita niya roon ang paghihirap ng kanyang pinakamamahal.