Patapos na to... last chap na to tapos epilogue na. Malalaman na kung sino ang killer. Kung sino makahula kung sino ang killer, dedicate ko sa kanya ang next chap and I'll then fan I'll fan him/her back. Give your reason why you think he/she is the killer. Kuddos!!! ^____^
Don't forget to vote, comment, FAN and share!!
PART FIVE
Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan nina Devon at Sam. Tanging ang anino ng tao ang nakita nila. Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanilang mga puso. Hindi nila alam ang dapat nilang gawin. Kung tatakbo ba sila o lalabanan ang kung sinumang pumasok. Anong mangyayari sa kanila?
Habangg palapit ng palapit sa kanila ang taong iyon ay siyang pagsikip ng dibdib ni Devon. Wrong timing... inaatake na naman siya ng asthma.
*huff huff*
Agad namang narinig at naramdaman ni Sam ang hirap sa paghinga ng dalaga. "Devs, hang in there.."
Sinubukan naman ni Devon na magpakatatag. Sinubukan niyang i- kondisyon ang kanyang sarili ngunit hindi niya magawa. Mas lalo lang siyang nahihirapan sa paghinga sa paglipas ng bawat segundo.
"I.. I... c- c- an... S- sa.. m" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil nawalan na lamang siya bigla ng malay. Agad namang nataranta si Sam kung kaya't aksidente niyang natabig ang isang upuan malapit sa kanila dahilan para makagawa ito ng ingay.
Na- estatwa siya sa kanyang kinauupuan ng makitang sa direksyon na talaga nila papunta ang kung sinumang iyon. Wala siyang magagamit na pamprotekta sa kanilang dalawa, pero sisiguruhin niyang hindi mapapahamak si Devon..... kahit buhay niya ang maging kapalit.
Hinalikan niya ito sa noo. "I Love You, Devon... I'll love you forever..."
Tumayo siya mula sa kanilang kinalulugmukan. Buong tapang niyang haharapin ang taong iyon..... maprotektahan lamang ang kanyang minamahal....
"Kahit sino ka pa.. hinding- hindi kita uurungan." matapang na sabi niya saka inihanda ang sarili sa anumang atakeng maaaring gawin nito.
"Sam? I- is that you?" tanong nito. Nakilala naman agad niya ang boses nito. Si Felix iyon.
"Felix..."
Agad na lumapit ito sa kanya, napansin naman nito ang walang malay na si Devon. "L- love?" lumuhod ito sa harap ng dalaga at tinapik tapik ang pisngi nito, pero hindi naman ito gumigising. "W- what happened?"
"Inatake siya ng asthma pero wala yung inhaler niya. Nawalan siya bigla ng malay."
Kinapa naman agad ni Felix ang kanyang bulsa para hanapin ang inhaler ni Devon. Nasa kanya pa kasi iyon, pero wala siyang makapa. Mukhang nahulog niya iyon habang tumatakbo siya kanina.
"Shit." he cussed.
Napakunot naman ang noo ni Sam. "What's wrong? Where's her inhaler?"
"I lost it. I think I dropped it while I was running..."
"Shit. Why do you have to lose something so important. Damn it." pagalit na sasabi ni Sam sa kaibigan. Napasabunot na lang siya sa kanyang sarili. "Hanapin natin. Bilis!"
Patakbo namang umalis si Sam sa silid na kinaroroonan nila, agad namang sumunod si Felix sa kanya. Naiwang mag- isa ang walang malay na si Devon.
***
"San ka ba huling nagpunta?" tanong ni Sam kay Felix habang tuloy sa paghahanap ng inhaler ni Devon. Nakasunod naman sa kanya si Felix na katulad niya'y naghahanap rin.
"Dito lang naman ako nanggaling. Nakarinig kasi ako ng putok ng baril kaya nagtatakbo ako. Ramdam ko rin na parang may nakasunod saken." paliwanag naman ni Felix sa kaibigan. "You think Devs will be fine on her own?"
"I don't know... but I hope so.." -Sam.
"I think we should go back. What if---" -Felix.
"We can't. We have to find her medicine. She needs it." -Sam.
"But...." -Felix "Oh, never mind. Let's just hurry."
Pinagpatuloy na nila ang paghahanap. Tahimik lamang sila habang ginagawa iyon pero natapos iyon ng bigla na lamang magsalita si Sam, at nakapagpatigil iyon kay Felix.
"Devon said these happenings are all connected to Kath."
Napako sa kanyang kinatatayuan si Felix. Nakatingin lamang siya kay Sam na unti- unting lumalayo. Nang mapansin naman nitong di na siya nakasunod ay lumingon ito.
"Hey. You alright?" nagtatakang tanong ni Sam sa kaibigan.
Hindi naman siya sumagot. Nakatingin lamang siya sa kawalan. Parang pelikulang nag- replay sa kanyang isipan ang mga pangyayari isang taon na ang nakalilipas.
"Hi Kath!"
"Felix!!" tumakbo palapit sa kanya si Kath at mahigpit na yumakap sa kanya.
"You look happy, princess." nakangiting sabi niya rito.
"I got the role..." excited na sabi ni Kath sa kanya. Halatang pinipigilan nito ang sobrang pagkatuwa.
Napangiti naman siya. "Congrats, Princess..."
***
"Help! Please! Help!"
***
Kasabay ng pagsigaw ni Kath sa kanyang isipan ay ang pagkarinig nila sa boses nni Devon na pumailanlang sa speakers sa buong school. Umiiyak ito habang humihingi ng tulong.
"Help! Please, help me! Sam! Please help me.."
Napatingin naman siya kay Sam na katabi na niya ngayon. Gaya niya'y parang na- estatwa na lang ito sa kinatatayuan. Nakita niyang tumulo ang luha nito.
Maya- maya pa ay nakita na nila ang isang Devon na nakalambitin ng pabaligtad........ at sa ilalim nito ay isang malaking drum na punong- puno ng tubig.
"Confess now, you bastard..." narinig nila ang pamilyar na boses na iyon mula sa speakers. At sa monitor nakita nila ang galit na mukha ng isa............
"Stop this please! Let me go! Please! Help!!!!"
"Devon!!!"
"You have two minutes, bastard. Confess your sin and I'll let her go... if not... she'll drown.....................................................to death...."
An evil smile appeared on the mystery killer's face....
Who is he? and why is he doing this?
(I f you're reading this carefully. Magkakaroon ka ng idea kung sino ang killer. Nag- iwan ako ng clues sa story. Mapapansin mo yun sa bawat chap. Hulaan mo!!! Sino siya?)