Short horror story ito. Di to lalampas sa ten chapters. :)) Baka nga five chapters lang to eh. Sana marami pong magbasa. Pa- promote na lang po ha? Gusto kong bago ako umalis rito sa Wattpad ay pumatok itong story kong to tulad na lang nung Haunted House. HIHI..
Hi kay Ate Alexi. Bago lang siya rito sa Watty pero the best po ang stories niya! Read niyo naman po yung HER 'OTHER' JOB niya na story. For 18 and above lang daw po yun. :)) Open the external link. Thanks!
PART TWO
Halos hindi na makagalaw sa kanilang mga kinauupuan ang lahat. Takot na takot ang tatlong dalaga halos mapakapit na sila sa kanilang mga katabi. Hindi naman malaman ng mga lalaki ang gagawin.
"Shit! Julia..." dali- daling nagtatakbo si Daniel papunta sa pinanggalingan ng tunog. Dahil sa pagkabigla kanina ay hindi niya agad nagawang makakilos pero ngayong natauhan ay dali- dali siya sa paghahanap sa kasintahan. Kinakabahan siya, baka kung ano na ang nangyari rito. Sa likuran naman niya ay nakasunod ang iba pa niyang mga kasamahan.
"Daniel, wait up!" malakas na sabi ni Sir William mula sa kanyang likuran. Pero hindi siya nakinig rito, mas binilisan pa niya ang kanyang takbo hanggang sa makita niya si Julia na nakasalampak sa sahig sa may bukana ng pinto ng C.R. Nanginginig ito at umiiyak habang nakatingin sa kung ano sa loob.
Agad siyang lumuhod upang kapantay niya ito. "Hey. What's wrong? Why did you scream? Why are you crying?" sunod- sunod na tanong niya rito.
Maya- maya lamang ay nasa tabi na nila ang ilan pa nilang mga kasamahan. "Julia, what happened?" tanong ni Sir William saka yumuko sa harap ng dalaga. Hindi naman makasagot ang dalaga. Kitang- kita sa mukha nito ang pagkatakot at halos manginig na ito.
"Nakatingin siya sa loob ng CR parang may nakita siyang kung ano sa loob." saad ni Daniel saka niyakap ang dalaga upang kahit paano'y mapakalma ito. Agad namang pumulupot ang mga braso nito sa katawan niya.
"Let's go check it out." ani Ivan saka nauna nang pumasok sa loob. Kasunod nito'y sina Jerome, Sam at Sir William. Susunod na rin sana si Devon papasok ngunit napigilan siya ng kasintahan.
"Hayaan mo na sila roon. Baka may kung ano pa dun at mapahamak ka." anito saka niyakap siya. Gumanti rin naman siya rito ng yakap.
"Damn!"
"Fuck!"
"Shit!"
Ang mga salitang iyon ang narinig nila mula sa tatlong lalaking nasa loob. Maya- maya pa'y sunod- sunod na lumabas ang mga ito na halos hindi na maipinta ang mukha.
"Bakit? Anong meron sa loob?" parang maiiyak nang tanong ni Tricia.
Humiwalay naman si Devon sa kasintahan at nilapitan sina Sir William. "Sir, ano pong meron? Bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong niya rito ngunit nanatiling tahimik ang mga ito. Binalingan niya si Ivan ngunit nag- iwas lamang ito ng tingin sunod naman niyang binalingan si Sam pero yumuko lamang ito. Nang bumaling naman siya kay Jerome ay bigla na lamang itong umiyak at humagulgol.
"Jer, bakit? Anong nangyari?" tanong niya rito saka hinawakan sa may balikat. Tuloy lamang ito sa pag- iyak, maya- maya pa'y sinuntok na nito ang pader at sumalampak sa sahig. Sumandal ito sa dingding saka yumuko habang patuloy na nag- iiyak.
"Bakit ba ayaw niyong sumagot?!" frustrated nang sabi ni Devon saka napasabunot sa sarili. Tiningnan lamang siya ng mga ito kaya minabuti na niyang sundin ang isip niya. Mabilis siyang pumasok sa CR at hinanap ang kung anumang nakita ng mga kasamahan.