Fourth

755 15 8
                                    

Excited na kong tapusin to. HIHI.. Nadala na ko. Ayoko nang magtype sa gabi kasi natatakot lang ako at mas napa- paranoid sa paligid ko. Feeling ko laging may nakatingin saken. HAHAHA!

Sino ba kasi ang killer?!

PART FOUR

"Julia......" umiiyak na sabi ni Devon habang nakaluhod sa harap ng, ngayon ay wala ng buhay nilang kaibigan. Naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat, at si Sam ang nalingunan niya. Bakas sa gwapong mukha nito na katatapos lang nitong umiyak.

Walang sabi- sabing yumakap siya rito at umiyak sa dibdib nito. Gumanti rin naman ito ng yakap sa kanya. "What are we going to do, Sam? He's going to kill us all if we don't stop him."

"I won't ever let him hurt you. Trust me. We'll find a way to stop him." he assured her.

"Guys, look..." nabaling kay Jerome ang atensyon nila ng bigla itong magsalita. Nakita naman nila kung ano ang itinuturo nito. Sa dingding ay may nakasulat na naman. "040106" "What does that mean?"

Naglakad palapit si Devon sa dingding at lumuluhang napaluhod sa sahig. "October 19, 2011..... 040106...."

"Devon, what are you saying?" tanong ni Sir William sa dalaga saka lumapit at lumuhod sa tabi niya.

"Kath....." bulong niya..

"Devs, tell us what you know.." ani Sam.

Magsasalita na sa si Devon ngunit isa na namang ingay ang narinig nila mula sa speakers ng school. Lumabas sila papunta sa corridor at nakita nila kung saan nanggagaling ang ingay.... ang sigaw....

"Help! Please help me guys! Please...." kitang kita nila si Tricia sa screen na nakatali ang mga kamay at paa sa kanyang kinauupuang silya. Sa sahig ay may nakakumpol na mga tela habang ang mismong sahig ay basang- basa ng...... gasolina. 

"Tricia!!" sabay sabay nilang sigaw.

Sa isang iglap ay nasunog ang mga tela...... kasama si Tricia na patuloy ang paghingi ng tulong... Naghihinagpis ang kanyang boses at di na nila magawang makatingin habang nasusunog ang kanilang kaibigan.

"SINO KA BA?!? MAGPAKITA KA! ITIGIL MO NA ANG  KABALIWAN MONG ITO!!!!!" galit na galit na sigaw ni Sir William. Tuloy lamang sa pag- iyak si Devon habang nakayakap sa kasintahang si Felix. Inaalo naman siya nito.. "HARAPIN MO KAMI! WAG KANG MAGPAKADUWAG! LUMABAN KA NG PATAS!!"

"Help!!! Guys, help me!" Natahimik silang magmuli nang marinig nila ang isa na namang pagsigaw. Ngayon, si Daniel naman ang nakita nila sa screen. Gaya ni Tricia ay nakatali rin ito sa upuan. Sa di kalayuan ay may isang baril na anumang oras ay maaaring pumutok. "Please, help me! Guys!!!!"

"Daniel!!" sigaw ni Devon saka mabilis na nagtatakbo. Agad naman siyang sinundan ng kanyang mga kasamahan ngunit masyado siyang mabilis kung kaya't di siya naabutan ng mga ito. Dahil doon ay nagkahiwa- hiwalay na sila.

"Daniel!! Nasan ka?!" sigaw ni Devon habang patuloy sa paghahanap sa kaibigan. Napadaan siya sa isang silid at nakita niya roon si Ivan. Nakatali ang mga kamay at paa nito ngunit di tulad nina Daniel, nakahiga ito sa sahig. "Ivan!!"

Dali- dali niyang binuksan ang pinto papasok sa silid kung saan ito naroon ngunit........ pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay siyang pagbagsak ng napakaraming kutsilyo sa nakahandusay nitong katawan. At dahil doon.... namatay ito....

"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!" she shrieked in horror. And at the same she heard a gun shot.......

"Devon......" naramdaman niya ang pagyakap ng isang tao sa kanya. "Don't be afraid.... I'm here.. I won't let you get hurt.. I won't ever let you get hurt..."

"Sam....." she cried once again on his chest.

**********

"They're gone.. They were killed too.." tahimik na sabi ni Sam habang nakapulupot pa rin ang mga braso sa takot na takot na si Devon. Nagtago sila sa isa sa mga silid roon upang hindi sila makita ng killer.. "There were clues again... I don't understand them all.."

"It all makes sense now..." ani Devon.

 "What do you mean?" naguguluhang tanong ni Sam sa dalaga.

"Kath died on October 19, 2011. She's from 4th Year Section 1 Student Number 6. Giselle was the play she last performed and....... 09082136753 is her phone number..."

"What are you trying to say, Devs?" 

"Lahat ng to.. Konektado kay Kath. Kung sino mang gumagawa nito, may kinalaman siya kay Kath. Pero sino?"

Sunod- sunod na putok ng baril ang nakapagpatigil sa kanila. Napahigpit ang yakap sa kanya ni Sam at napayakap na rin siya rito. Itinago niya ang ulo niya sa dibdib nito... Sunod nilang narinig ay ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng silid na kinaroroonan nila...

Sino kaya yun?

School of Death [Star Magic Artists]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon