The Beautiful Teenaged Girl (PART 2)

17 6 0
                                    

Lumipas na ang mga ilang bwan simula ng mag kakilala.. si Victoria at Felix ay naging magkasintahan. Ngunit, ang bagay na ito ay patago lamang.. kung mayroon mang nakakaalam, iyon ay ang ina ni Felix.




Pero kailanman.. walang sikreto ang hindi nabubunyag.





*PAK!*





"Lapastangan ka! Sinuway mo ang aking utos! Kabilin bilinan ko na sa iyo mula bata ka pa lamang, na hindi ka maaaring magkaroon ng kasintahan!"   nagpupuyos sa galit na sabi ng kanyang ama.

Napahawak sa pisngi ang dalaga kung saan nito natamo ang malakas na sampal na nagmula sa kanyang ama. Nag simulang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa dala ng emosyon, pati na rin sa pagdamdam sa sinabi ng kanyang ama.

"Huminahon ka, Roberto. Ang galit ay hindi makakabuti sa iyong kalusugan. Hayaan muna natin ang paliwanag ng ating anak." mahinhin na sabi ng ina ni Victoria habang hinahagod nito ang likod ng kanyang asawa.

"Ama.. Si Felix ay hindi masamang tao! Mahal niya po ako! Masaya ako sakanya, malaya ako kapag kasama ko siya!"   umiiyak na sambit ng dalaga.

Napasinghap ang kanyang magulang dahil sa sinagot ng kanilang anak. Hindi nila inaasahan na ganoon na lamang ang lalabas sa kanyang bibig.

Dahil doon, mas lalong nag apoy sa galit ang kanyang ama.

"Bakit? Anak.. hindi ka ba masaya at malaya sa piling namin? Kulang pa ba ang mga ibinibigay namin sa iyo..?"  nagugulat na tanong sakanya ng kanyang ina.

"Ina, hindi naman po sa ganoon. Huwag niyo po sanang mamasamain.. masaya ako sainyo ngunit mas masaya ako sa piling ni Felix! Sakanya, nagagawa ko ang mga gusto ko! Walang utos na dapat akong sundin sa  kaniya, malaya ako! Nakakahinga ako ng maluwag!"  makahulugang pagmamaktol ng dalaga.


Dala ng sobrang pagka galit, hindi na napigilan pa ng ama at sinampal niya pa ulit ang anak.

"Ayan ang nakukuha mo sa pag labag ng aking kautusan! Isa ka ng bastos na anak! Para kang walang pinag aralan! Nasaan na napunta ang mga pangaral namin sa iyo? Sinawalang bahala mo dahil sa lalaking iyon! Maghanda ka sa pwedeng mangyari, pupuntahan ko ang kasintahan mo at tuturuan ko ng leksyon!"   galit na galit na ani ng kanyang ama at mabilis itong tumalikod at nag lakad palayo sa mag ina.


"Ama! Maawa po kayo! Huwag niyo po siyang sasaktan, ama! Maawa po kayo!"  humahagulgol na pag mamakaawa ng dalaga.


Pero ang ama niya'y hindi nag patinag. Tuloy tuloy itong nag lakad paalis patungo sa kung nasaan man si Felix.


Napaupo si Victoria sa labis na pagkaiyak at panlalambot. Gusto mang lapitan at patahanin ng kanyang ina, pinigilan niya ang kanyang sarili. Ito naman ay leksyon na rin sa kanyang anak na dalaga.


Lumipas ang mga nagdaang buwan.. hindi na muling nag paramdam pa si Felix. Ngunit ang dalaga ay pilit na kinukumbinsi at pinagtitibay ang kanyang tiwala sa kanyang pagbabalik.  Hinihintay niya ang muling pagpaparamdam ng kanyang kasintahan. Marami na rin itong pinadalang sulat sa kaniya ngunit ni isa, wala pa siyang tugon na nakukuha sa mga ito.



Lumipas pa ang mga ilang bwan, matibay pa rin ang paninindigan ni Victoria sa pagbabalik ni Felix. Ngunit ito ay gumuho dahil sa iisang balita lamang.







Namatay si Felix.








Natagpuan ang kanyang labi, sa tabi ng ilog. Bugbog ang mukha, at halos natatanggal na ang balat sa katawan.





Labis ang paghihinagpis ng dalaga sa balitang nakarating sa kaniya. Napaka imposible para sa kaniya na mangyari iyon sa kanyang nobyo dahil napaka bait nitong tao. Kaibigan siya ng lahat. Hindi niya labis maisip na nagkaroon ito ng kaaway para mangyari ang bagay na iyon.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagmumukmok, biglang nag karoon ng ideya si Victoria kung sino ang maaaring gumawa nitong karumaldumal na sinapit ng kanyang mahal.

Nag punas siya ng mga luha sa mukha at tumayo sa kanyang higaan. Naglakad siya ng mabilis na may mabibigat na hakbang..





Patungo sa silid ng kanyang ama.





----------------------------------------------------
HALA HALA! ANO NG GANAAAPPPPP~! HIHIHI

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE MGA BEBES'! STAY TUNED! MWAAAA~!

The Tale of HumansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon