JEREMY IN THE MULTIMEDIA!----------------------------------------------
Sa isang malawak na bukirin, naroon nakatayo mag isa ang napaka laking bahay na itinayo mula pa noong panahon ng mga kastila. Ngunit kahit na matagal ng ipinatayo ito, ipinag mamalaki parin nito ang angking kagandahan.. ang malawak na bakuran, at masarap na simoy ng hangin. Halatang mayayamanan at napaka makapangyarihan ang nanirahan dito noon.
Kabababa sa sinakyan, ang dalawang mag asawang Del Frado ay nakatayo sa harap ng malaking bahay.. bitbit rin ang kanilang mga gamit.
"Eto na ba yun, Paulito?" tanong ni Constancia, ang asawa ni Paulito.
"Oo, mahal ko. Nagustuhan mo ba?" tanong nito. Ngumiti ng malawak si Constancia, at talaga namang makikita mo sa mga mata nito ang labis na kasiyahan.
"Oo naman, sobra! Hindi ko inakala na ganito kagara ang bahay na ipinama sa iyo." masayang ani nito.
Lumapit si Paulito sa asawa at tska ito hinalikan sa ulo. "Hindi na mahalaga sa akin kung gaano kaganda etong bahay na ipinamana sa akin, Constancia. Ang mahalaga, kasama kita.." nangingiting sabi nito sa asawa.
Ngumiti si Constancia. "Mahal kita, Paulito.." buong puso nitong sinabi at sinunggaban ng yakap ang asawa.
"Mas mahal kita, Constancia.." sabi rin ni Paulito at yinakap pabalik ang kanyang asawa.
"O, siya! Naku, naglambingan na naman tayo ng wala sa tamang oras! Pumasok na tayo sa loob, Paulito. At simulan na natin mag ayos pati na rin mag linis." nasasabik nitong sabi sa asawa, tska niya kinuha at binitbit ang mga iilan nilang gamit.
"Constancia.. ibaba mo iyan at ako na lang ang mag bubuhat sa mga gamit natin. Pumasok ka na sa loob." utos ni Paulito sa asawa. Natawa naman si Constancia.
"Ano ka ba, Paulito! Huwag kang mag paka bayani. Kaya ko ito. Huwag masyadong mag alala, kaya halina sa loob! Nasasabik na akong makita ang itsura nito!" parang bata na tuwang tuwa na sabi ni Constancia.
Ang mag asawang si Paulito at Constancia, kailanman ay hindi pinalad magkaroon ng mga anak. Masakit iyon sa parte ng mag asawa ngunit, hindi rin nag tagal at pinili na lang nilang tanggapin ang masaklap nilang kapalaran. Ngunit sa kabila ng mga iyon, mas tumibay pa ang kanilang pagsasama, at mas naging masaya pa piling ng isa't isa.
"Napaka ganda ng bahay na ito, mahal ko! Ang laki laki!" puno ng pagmamangha na sabi ni Constancia ng sila'y tuluyang makapasok sa loob.
Binaba ni Constancia ang mga gamit na kanyang binitbit at masayang nag iikot ikot sa loob ng bahay. Napatawa na lamang si Paulito dahil sa inasal ng kanyang mahal. Pinagmasdan niya na lamang ito habang naka ukit ang kanyang magandang ngiti sa asawa.
Si Paulito Del Frado, simple at napaka maginoo na lalaki. Hindi nag hahangad ng malaki kahit pa marami itong mga kayamanan. Dahil para sa kaniya, ang kayamanan ay hindi nasusukat sa pera at ari arian na meron ka. Ang kayamanan ay isang mahalagang bagay na pwede mong maidala sa iyong pag kamatay. Ang kanyang kayamanan, ay walang iba kundi si Constancia.. nagiisang kayamanan na kanyang ipinagdadamot. Mawala na lahat ng kanyang material na kayamanan.. huwag lamang si Constancia.
"Paulito.. mahal ko, ayos ka lang ba..?" nag aalalang tanong ni Constancia. Bumalik sa huwisyo si Paulito ng marinig niya ang kanyang asawa. Hindi niya namalayan, nasa harao niya na pala ito.
"Ah.. haha pasensya na, mahal. Natulala na naman ako sa kagandahan mo.." malambing nitong sabi.
Nahiya naman ang kanyang asawa at bigla itong namula. "I-ikaw.. puro ka biro!" sabi niya na lamang at pinalo ang braso ng asawa.
"Halina.. mag ayos na tayo ng mga gamit.." nakangiting anyaya ni Paulito. Napatango tango na lamang si Constancia at sinimulan na nila ang pag aayos sa bago nilang tahanan.
--------------------------------------------------------------
ANG SWEET~! SANA ALL! HUHU
HELLO BEBES! NEW PART OF STORY NA NAMAN TO.. SO, MAS EXCITING! HIHIHI PLEASE KINDLY VOTE OUR STORIES! MWA MWAAAA~
ABANG ABANG SA NEXT UD! HIHI LUV U!
![](https://img.wattpad.com/cover/204267035-288-k41969.jpg)
BINABASA MO ANG
The Tale of Humans
HorrorHey, are you afraid of ghosts? No? Yes? Do you have any idea, what is more scarier than them? No? Yes? If you wanna know, then proceed.. let's find out..